← Back to Home
SWEET naman pala! Ryan, sinabi kung gaano ka-espesyal si Karylle | It’s Showtime

SWEET naman pala! Ryan, sinabi kung gaano ka-espesyal si Karylle | It’s Showtime

SWEET naman pala! Ryan, sinabi kung gaano ka-espesyal si Karylle | It’s Showtime

🕒 3/28/2026, 5:45:01 AM385 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeRegion9Nice#Karylle#Ryan Bang#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Jackie Gonzaga#Darren Espanto#MC#Lassy#Amy Perez#Cianne Dominguez#Ion Perez

So, alin ang mas matagal matapos—January o March? Basta, dito sa "It's Showtime," hindi matatapos ang good vibes.

Birthday bash ni Karylle, extended! Naghanda ng special musical number ang actress-host na very divine ang angking kagandahan. At hindi lang siya beautiful outside, dahil busilak din ang kalooban. Kung may isang tao na magpapatotoo d'yan, walang iba kundi si Ryan Bang.

Madalas man silang mag-asaran, pero espesyal kay Ryan at Ate Karylle niya, na nag-inspire sa kanya'ng maging mas mapagmahal sa ama’t ina. Iiyak na ‘yan! With all sincerity, wish niya na maging masaya ang kan'yang Ate K.

From kantahan, napaindak ang lahat sa bagong dance craze na "Ikembot Mo" ng Showtime Baby Dolls. Wow na wow ang mga galaw nina ex-"PBB Collab 2.0" housemates Lee Victor at Reich Alim, na kumasa sa pagalingan ng kembot. Ang mga moves, parang ibinabad sa fab con—ang lambot!

Maging BIG WINNERS kaya sila sa 'Laro Laro Pick'? Nakasama nina Lee at Reich ang Madlang Players na honor students. Ang exam sa game arena, dapat ma-perfect para sa chance na makuha ang P450k jackPOT money na target.

Pero dahil umano sa kaba, nag-struggle ang mga estudyante sa 'It's Giving' kung saan dapat maibigay ang kahulagan ng mga acronym ng mga ahensya ng gobyerno. Bumawi naman ang remaining players sa 'You Gotta Lyric' featuring the December Avenue hit "Kung 'Di Rin Lang Ikaw."

Pinatunayan ni Lee na 'task slayer' din siyang maituturing. Sa PILImination, nagpakita siya ng galing hanggang spot sa jackpot round ay kan’yang inangkin. Ang paglalaro niya ay para sa nabunot na honor student na si Vy. Matapos ang kanilang usapan, sina Lee at Vy ay umabot sa isang kasunduan. POT ay kanilang sinugalan!

Ayon sa mechanics ng laro, si Lee lang ang pwedeng sumagot sa POT question. Ang tanong ay tungkol sa UNESCO World Heritage Site na makikita sa likod ng 1,000-peso bill. Naalala ni Lee na may "coral reef" na makikita rito, pero dahil hindi niya maibigay ang eksaktong pangalan, he settled for "Mayon" as his final answer.

Nabigo man si Lee, pero para kay Vy, ang experience pa lang sa game arena ay sapat na para maging happy.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
SWEET naman pala! Ryan, sinabi kung gaano ka-espesyal si Karylle | It’s Showtime | Cheezmis