Mangingitlog ang swerte kasama ang mga taga-Sta. Ana, Pateros. Dahil nagmula pa sila sa lugar na sagana sa balut, siguradong 'sisiw' lang sa kanila ang mga tanong at challenges sa 'Laro Laro Pick' game arena sa “It’s Showtime.”
From Pateros, parang na-transport ang players sa Korea, thanks to Ryan, na game sa pag-translate ng mga tunog ng hayop. Pero, saan nga ba galing ang balut? Sina Vice Ganda, nag-imbestiga!
Nakuha naman ni player JR ang atensyon at paghanga ni Meme Vice dahil nakaka-touch nitong pahayag tungkol sa pagpapahalaga sa mga kababaihan, na ipinaalala sa atin ang pagdiriwang ng International Women's Month.
Tuesday ay napuno ng kilig dahil sa smooth na tinig at nakatutunaw na titig ni James Reid, na nagbabalik sa “It’s Showtime” stage. Madlang People ay pinangiti niya sa isang bagong harana!
Very comfortable nga si James sa "It's Showtime" studio, especially because present ang best friend niyang si Ryan Bang. Proof of their friendship ay 'yung kahit magkabuhol-buhol ang dila ni Ryan, ang ending, sila pa rin ay magkakaintindihan.
Perfect din sa long hours sa kalsada ang new single ni James titled “Traffic.” Mukhang naka-relate si Kim Chiu, na para bang nadulas sa sinabi niyang ultimate panlaban niya sa traffic ang makinig ng music habang may ka-holding hands. Makakatakas ba naman si Kimmy sa pang-aasar ng mga 'kuys' niya?
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
