Pebrero o anumang buwan, lahat 'yan ay panahon ng pagmamahalan! At kapag mahal mo, pangingitiin mo! Mahal ng "It's Showtime" family ang Madlang People, kaya hatid nila'y smile and happiness for all.
Good vibes ay always pinagsasaluhan sa FUNanghalian, katulad na lang nga mga eksena sa February 3 episode ng 'Laro Laro Pick' kung saan bumida ang mga taga-Valenzuela.
So, ganito na nga! Kinilala ng hosts si player Fe, ang nanay na inilalaban ang anak na si Saphire, na may pinagdaraanan sa kalusugan. Napansin ni Vice Ganda ang beauty ng dalaga. At kung ganda ang usapan, palaging 'bunot'' si Lassy diyan. Ibinida ni Lassy na minsan siyang sumali sa beauty pageant at nag-sample pa ng intro.
Hindi nagpatalo si Meme Vice, na nag-isip din ng 'pageant intro' kung ire-represent niya ang Pilipinas. "Magandang tanghali sa inyong lahat. Ako po si Maria Cristina Minalas-Malas, ang babaeng walang kabwenas-bwenas, mula sa nag-iisang bansa na nakaranas na ang presidente at bise presidente ay ini-impeach parehas. Ang angas, PILIPINAS!"
Quality, 'di ba? Nag-sample rin siya ng intro a la Miss Japan, "Mula sa bansa na 'pag nanood ka, ang video ay blurred minsan, Japan!" Nakakatawa! Kaya naman, Meme, heto ang korona!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
