← Back to Home
Alexa, naipit sa puksaan nina MC at Lassy | It’s Showtime

Alexa, naipit sa puksaan nina MC at Lassy | It’s Showtime

Alexa, naipit sa puksaan nina MC at Lassy | It’s Showtime

🕒 1/31/2026, 6:02:09 AM235 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeRegion1Hamunan#Laro Laro pick#MC#Lassy#Alexa Ilacad#puksaan#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro

Refreshing ang Sabado kasama ang madlang players mula Calamba, Laguna (na kilala sa tawag na Hot Spring Capital) na sumalang sa 'Laro Laro Pick' game arena sa "It's Showtime."

Very fresh at nakakasilaw rin ang beauty ni guest co-host Alexa Ilacad. Sabi nga ni Vice Ganda, parang may sariling ring light ang Gen Z Total Performer. At kung ang topic ay 'kagandahan,' syempre hindi pwedeng hindi kasali sina MC at Lassy sa usapan.

Sino nga ba ang mas pretty sa dalawang magkaibigan? Ang pagandahan, nauwi sa 'puksaan' dahil sa sunod-sunod na QUALITY 'panlalait' ni Lassy kay MC, na tinawag pa niyang 'malaking tocino' dahil sa pulang-pulang damit nito. Nagbanta si MC na gaganti, pero hirit ni Meme, "'Pag sinakyan mo 'yan, madedemanda ka ng animal cruelty."

'Naipit' pa si Alexa sa asaran nang tanungin kung aling bahagi ng katawan nina MC at Lassy ang gusto niyang kunin. "Personality" ang pinili niya kay Lassy, kaya napa-react si MC at sinabi sa ka-tandem, "Wow! Inner! Kasi nga pangit ka!"

Pinapili rin ang duo kung aling parte ng katawan ni Alexa ang gusto nilang mapunta sa kanila. Sagot ni MC, "Mukha," na agad binara ni Lassy, "Huwag mukha! Kasi magmumukha kang dinosaur kung maliit ulo mo." Sobrang laugh trip talaga! 

'Quality' good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Alexa, naipit sa puksaan nina MC at Lassy | It’s Showtime | Cheezmis