← Back to Home
OUCH! Vice Ganda, nasaktan para kay Doy | It’s Showtime

OUCH! Vice Ganda, nasaktan para kay Doy | It’s Showtime

OUCH! Vice Ganda, nasaktan para kay Doy | It’s Showtime

🕒 1/29/2026, 6:00:49 AM267 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeBrrr#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Doy#nasaktan#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario

Kung minsan pakiramdam natin ang buhay ay hindi patas. Pero anuman ang pagsubok, patuloy na lalaban ang mga taga-Payatas. Sila ang bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena, sa January 29 episode ng "It's Showtime."

Nakipagkuwentuhan ang mga hosts kay player Doy, na pangiti-ngiti lang ngunit ang puso'y may malungkot na panaghoy. Sariwa pa ang pait dahil dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas mula nang iwan siya ng kanyang mahal. Ni hindi niya alam kung bakit. Ouch! Ang sakit! 

Kaya ang panawagan ni Doy sa 'ex' na si Jennifer, "Kung nakikinig ka man ngayon sa akin, sana bumalik ka na sa atin sa Payatas. Maghihintay ako kasi mahal na mahal kita."

Si Vice Ganda, napa-'ahhh!' at kita ang 'feels' sa mga mata. Ramdam ang sakit na pinagdadaan ng puso ni Doy, payo ni Meme, "Hayaan mo muna siyang makapag-isip. Bigyan n'yo ang sarili n'yo ng panahon."

Dagdag niya, minsan mas gumagaan ang pagmo-move on kung hahayaan na lang na manatiling walang kasagutan ang mga tanong. "Minsan hindi mo nakukuha talaga ang mga sagot. Mananatiling blanko ang lahat. May mga tanong na mananatiling tanong na lang," hugot ni Meme. "Sa buhay, mga taong binigay sa'yo para makilala mo lang pero hindi para makapiling mo. May mga taong nakilala mo para mahalin mo, pero hindi para mahalin ka."

But, hugot aside, ang wish ni Vice, nawa'y makamit pa rin ni Doy ang kaliwanagan na hinahanap para sa kanyang peace of mind. 

'Quality' good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
OUCH! Vice Ganda, nasaktan para kay Doy | It’s Showtime | Cheezmis