Ship responsibly and 'kilig' responsibly, Madlang People! Bago matapos ang Pebrero, humabol ang mga paru-paro sa tamis ng pagbisita nina Anton Vinzon at Carmelle Collado sa "It's Showtime."
Fresh from "PBB Collab 2.0," nagbabalik sa "It's Showtime" entablado ang 'TNT The School Showdown' champ na si Carmelle, at may bitbit pang cutie ex-housemate na naka-close niya sa Bahay Ni Kuya.
Tanggapin n'yo ang pa-deliver na 'ayuda' nina Carmelle at Anton—isang nakaka-in love na duet ng "Araw Gabi." The CarTon ship is sailing na ba? Kuwento ng dalawang ex-housemates, hindi nila inasahan na may CarTon fandom na sasalubong sa kanila sa outside world dahil hindi naman daw nila sinasadyang mapansin ng mga manonood ang interactions nilang dalawa sa loob ng bahay.
"Unexpected po talaga kasi very genuine po talaga kami. 'Yung intensions po namin clear sa loob ng bahay. Kaya paglabas ko talaga, nagulat ako na may CarTon pala," sabi ni Anton.
Samantala, booked and busy agad si Carmelle dahil sunod-sunod ang nakalinyang local and international shows. Kaya siguradong maimi-miss siya ni Anton, na may bilin sa kan'ya. "Pasalubong," biro ni Anton.
Naghiwayan ang 'Couriers,' 'Cartonverse' at ang buong CarTon nation sa studio nang sabihin niya kay Carmelle, "Basta mag-pray ka lang palagi. I'm proud of you."
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
