Sending good vibes dust your way, Madlang People! Sa FUNanghalian na ating pinagsaluhan with the 'It's Showtime' family, ang dessert ay happiness for all.
Full serving of kulitan ang inihain sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang mga taga-Navotas na sinubukan ang swerte nila. Talaga nga namang lucky si player JV, dahil sa regalong bigay ni Kim Chiu. Humanga si Kim sa kasipagan ni JV bilang kargador. At kahit mahirap ang buhay, pag-ibig lang ang sandata ni JV at ni misis sa pagharap sa mga hamon. Deserve nila ang isang masayang 'family date' na sasagutin ng Chinita Princess!
Sa huling linggo ng 'Feb-Ibig' ay ramdam pa rin ang feels. Making beautiful music together, literally, sina "TNT Duets 2" 2nd placer Jezza Quiogue at Ian Manibale, na ipinarinig ang bago nilang single.
Mapapangiti ka na lang talaga sa mga sagot nina Ian at Jezza nang tanungin kung ano ba ang nakikita nilang kamahal-mahal sa isa't isa. “Ano bang hindi kamahal-mahal sa’yo? Lahat naman kamahal-mahal sa’yo," hugot ni Ian. Dagdag pa niya, “‘Yung pagiging caring niya sa akin. Especially, may mga times din na hirap ako sa mga songs? Siya rin ‘yung tumutulong sa akin."
May pagkakataon pang humabol sa V-Day kilig! Because every day is a day of pag-ibig!
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
