← Back to Home
BINGO! Tatay Gil, matagumpay na nakuha ang 250K sa Laro Laro Pick! | It’s Showtime

BINGO! Tatay Gil, matagumpay na nakuha ang 250K sa Laro Laro Pick! | It’s Showtime

BINGO! Tatay Gil, matagumpay na nakuha ang 250K sa Laro Laro Pick! | It’s Showtime

🕒 2/18/2026, 6:58:32 AM289 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#MakisayaSaShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Tatay Gil#jackpot round#250k#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario

Hindi lang may 20% discount kundi libreng-libre ang good vibes sa “It's Showtime” kasama ang mga mahal nating lolo't lola na nakisaya sa 'Laro Laro Pick' game arena.

Naaliw ang mga bisita sa studio nang ang 'Laro Laro Pick' ay maging 'Step in the Name of Love' na para bang dating game show. Kahit senior na sa ID, ang puso naman ni Tatay Gil ay pang Gen Z! Bilang nag-iisang biyudo sa grupo, siya ang hinanapan ni Vice Ganda ng kapareha sa mga nakapilang siyam na biyuda. 

Ang mga lola, forda slay sa pag-awra! Kanya-kanyang paandar nang magpakilala, para nga naman puso ni Gil ay mabihag nila. Merong mas bet humalik ang lalaking walang ngipin, meron din namang 'maginoo pero medyo bastos' ang gustong ibigin. Ay, ang mga lola, nakakaaliw ang makukulit na hirit! At sa huli, mukhang umangat sa lahat ang binibini at heart na si Marie.

Nakaka-lucky talaga ang pag-ibig! Si tatay Gil, kinilig na, nanalo pa! Siya ang umabante sa jackpot round. No'ng una'y takot siyang sugalan ang POT question na katumbas ng P250,000 pero dahil sa lakas ng loob na hinugot sa batang apo na si David, na kasama niya sa studio, go for the Pot na si Lolo! 

Mabuti na lang sumugal si tatay. Dahil inilaan na ng universe ang P250k na sa kan'ya ibigay! Sa tanong na 'Ano ang huling numero sa letrang O sa bingo,' bumingo si tatay nang kanyang isagot, '75.'

Congrats, tatay Gil! Sa'yo ang P250,000! 

 Makakatanggap din ng P5,000 each ang iba pang seniors na sumali sa laro, mula kay Meme Vice.  

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
BINGO! Tatay Gil, matagumpay na nakuha ang 250K sa Laro Laro Pick! | It’s Showtime | Cheezmis