← Back to Home
Jackie, may pinatatamaan nga ba? | It’s Showtime

Jackie, may pinatatamaan nga ba? | It’s Showtime

Jackie, may pinatatamaan nga ba? | It’s Showtime

🕒 1/15/2026, 5:13:36 AM219 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#TNTDuets2Tayo#Jackie Gonzaga#Kim Chiu#Darren Espanto#Amy Perez#Ryan Bang#Ion Perez#Cianne Dominguez#Lassy#MC Muah#Teddy Corpuz

Napasarap ang kuwentuhan ng “It’s Showtime” family sa ‘opening’ ng January 15 episode, kaya ang iba sa kanila, feel na feel ang hugot at nag-enjoy pa sa asaran. 

Napag-usapan nina Kim Chiu, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, Darren Espanto, Ion Perez, Cianne Dominguez, at Amy Perez ang payday dahil unang ‘a-kinse’ ng taon. Maraming ‘pumaldo’ sa unang sweldo. Kaya payo ni Teddy, maging maingat sa mga online transactions dahil baka mabiktima ng scammers.

Pabiro namang ‘na-trigger’ si Jackie sa usapin ng panloloko. With intensity at buong gigil niyang sinabi, "Sa mga manloloko at sa mga hindi marunong mahiya! Shoutout sa inyo! Twenty twenty-six na! Ano ba, guys, magbago na kayo!"

Naaliw ang ibang hosts sa linyahan ni Jackie, na para bang personal daw ang hugot. Hindi naman nakalimutan ng ‘Showtime’ family na ‘i-comfort’ si Ate Girl.

Samantala, siksik sa kulitan ang ‘Laro-Laro Pick’ game arena kasama ang mga madlang players na taga-Valenzuela. At may mga espesyal pang bisita! Nakilaro rin sina Gladys Reyes at Neil Ryan Sese, na nag-enjoy pa rin kahit na-eliminate agad sa unang round. Pabiro pang tinalakan ni Gladys ang nag-o-operate ng ilaw sa ‘Illuminate or Eliminate’ game. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Jackie, may pinatatamaan nga ba? | It’s Showtime | Cheezmis