← Back to Home
Hurados, NANLUMO sa performance nina Jezza at Ian sa TNT Duets | It’s Showtime

Hurados, NANLUMO sa performance nina Jezza at Ian sa TNT Duets | It’s Showtime

Hurados, NANLUMO sa performance nina Jezza at Ian sa TNT Duets | It’s Showtime

🕒 1/15/2026, 7:20:58 AM419 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#TNTDuets2Tayo#Tawag Ng Tanghalan#TNT Duets 2#Hurados#Ian and Jezza#Kyla#Louie Ocampo#Yeng Constantino#Jonathan Manalo#Erik Santos#Vice Ganda#Jhong Hilario#Vhong Navarro

One plus one equals intense bosesan sa tanghalan. Sa Day 4 ng "TNT Duets 2" weeklong Grand Finals sa “It’s Showtime,” dinala ng tatlong duos sa isang musical adventure na may iba't ibang 'feels' sina hurado Kyla, Erik Santos, Yeng Constantino, Jonathan Manalo at Punong Hurado Louie Ocampo. 

Unang sumalang sa entablado ang 'Dua Bisdak' tandem nina Juliana Tagalog at Shane Castillo. Fierce ang kanilang tunugan sa pagkanta ng "Marupok" ni KZ Tandingan. 

Pero komento ni hurado Yeng, "Mayroong parts sa umpisa na medyo nadumihan talaga ako." May 'kakampi' si Yeng dahil sumang-ayon sa kan'yang opinyon si hurado Kyla, na pinayuhan sina Shane at Juliana tungkol sa "slurring." Pero kumontra si hurado Erik, na sinabing hindi siya "nadumihan" but he found the performance "dragging." Ang markang nakuha ng Dua Bisdak ay 91.2%.

Sa digmaan sa tanghalan, magkasangga rin sina Thor Valiente at Pia Carandang a.k.a. 'TNT Bestmates' na pinakilig ang lahat sa kanilang "'Til I Met You" performance na nakatanggap ng standing ovation mula sa mga hurados. 

Inilarawan ni Maestro Louie ang pag-awit bilang "creative" at "hard to beat." Pakiramdam naman ni hurado Jonathan ay para siyang nanonood ng pelikula sa tila movie soundtrack na performance. Parang na-senti nga raw si hurado Erik kahit wala namang pinagdadaanan. Nakakuha ng score na 96.8% ang TNT Bestmates.

Hard to beat man ang naunang duo, hindi nagpatinag sina Jezza Quiogue at Ian Manibale a.k.a. 'Jezzian.' Ang hugot hit ni Moira Dela Torre na "Ikaw At Sila," ginawa nilang mas mapanakit pa. 

Mahaba-haba ang naging diskusyon ng mga hurado. Ayon kay hurado Yeng, parang nagkaroon sila ng problema, "Anong gagawin natin?" dahil parehong magaling ang 'TNT Bestmates' at 'Jezzian' pero magkaibang emosyon ang ibinigay. 

"Parehong heightened ang emotions." Ipinaliwanag ni hurado Jonathan na hindi sila nakapag-standing ovation kina Ian at Jezza dahil sa sobrang sakit ng awitin, "Effective ang performance ninyo dahil naibagsak ninyo 'yung pakiramdam namin dahil sa lungkot. It's very effective pero ang hirap tumayo." Sabi nga ni Vice Ganda, “nanlumo” ang mga hurado at maging siya’y kinilabutan sa pag-awit nina Jezza at Ian. 

Mas tumaas pa ang tensyon at excitement nang sabihin ni Maestro Louie, "Para akong nanganak ng kambal. Hindi ko pwedeng iwanan 'yung isa. Magkaiba pero pareho 'yung pagmamahal sa dalawa."

Sa huli, nag-tie ang 'TNT Bestmates' at 'Jezzian' sa score na 96.8%. Aabante ang dalawang duo sa Huling Tapatan sa Sabado.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.