← Back to Home
Vice Ganda, naitulak sa pader si Vhong sa sobrang tuwa | It’s Showtime

Vice Ganda, naitulak sa pader si Vhong sa sobrang tuwa | It’s Showtime

Vice Ganda, naitulak sa pader si Vhong sa sobrang tuwa | It’s Showtime

🕒 6/27/2025, 5:25:03 AM658 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Kim Chiu#Jugs#Teddy#Karylle#Ion Perez#Ryan Bang#Amy Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#Darren Espanto#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas

Ang buhay ay hindi naman talaga paligsahan, but at the end of the day, kailangang ipanalo ang mga hamon at laban. Panalo ka sa isang powerful kantahan na hatid nina Rea Gen Villareal, Jed Madela, at Carmelle Collado.

Ang tatlong mang-aawit na ‘to, certified panalo kung kantahan lang din naman ang usapan. Pero hindi nauubos ang kanilang ipinaglalaban. Si Rea Gen, gustong ipanalo ang pamilya. Si Carmelle, gustong magwagi sa buhay eskwela, at si Jed naman ay may bagong goals as a toy creator.

Achieve ang goal na maka-feel ng happiness at good vibes with the ‘Showtime’ family. Join na sa mga nakakatuwa at nakamamanghang ganaps sa Step In The Name of Love at Tawag Ng Tanghalan Year 9.

Si Mommy Naneth, willing mag-adjust para maka-step in the name of love. Maging sariling kaligayahan ay kayang talikuran sa ngalan ng pagmamahalan. Pero, payo ni Vice Ganda, okay lang mag-compromise, but not to the point na kakalimutan mo ang mga bagay na totoong nagpapasaya sa’yo.

Pinasaya nga ni Nanay Naneth ang Madlang People sa kan’yang mga hirit. At sa sobrang pagkagiliw niya kay Vice Ganda, payag siya kung sila ang magiging mag-jowa. Pati si bestie Thelma, sobrang clingy kay Vice, na pinakaguwapong ‘Showtime’ host daw sabi ng isang hakbanger. Iba ang hatak ng karisma mo today, Meme!

Iba rin ang hatak ni Naneth sa tatong kalalakihan, na nagustuhan ang kan’yang karupukan. Opo, sabi nina Manny at Willy, sa edad nila’y wala nang paligoy-ligoy pa. Bakit pa patatagalin kung umiibig na ang damdamin? Pero minsang pinagsisihan ni Naneth ang pagiging marupok. Sa sobrang karupukan, pumayag siyang maging ‘other woman’ at nagbunga ng dalawang supling ang kanilang pagmamahalan. Ngunit ito’y kanya nang pinagsisihan.

Heto na siya ngayon, cool na lola. At sa sobrang cool, hilig niyang makipasabayan sa inuman kasama ang Gen Z na barkadahan. Pati anak ni bestie Thelma, kainuman niya. Dito na-turn off ang tatlong hakbangers, dahilan upang si Bing ay ideklarang mismatch.

Bumaba rin si Willy dahil hindi tugma ang pag-inom ni Naneth sa kan’yng pananampalataya. Pero kung feel mo ang potential at spark, matutong mag-compromise. Ipinaliwanag ni Naneth na occasional drinking lang naman ito, at handang talikuran para sa lalaking magugustuhan. Dahil diyan, mula sa pagbaba ay humiling si Willy ng pagkakataong muling umakyat. Samantala, kulay ng balat ang dahilan ng pagbaba ni Manny. Mas bet niya ang mestiza beauty. Gayunpaman, siya pa rin ang napili sa huli. Panalo ang tinig ng Pinoy sa “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”

Ibinida ni Alexa Salcedo ang tunog ng makabagong OPM sa bersyon niya ng “Limang Dipang Tao.” Remarkable singer and performer kung ilarawan ni hurado Nonoy Zuniga ang teen singer. Agree si Punong Hurado Louie Ocampo na inisa-isa ang good points ni Alexa.

Tagos-puso naman ang pag-awit ni Kent Villarba ng “Kabilang Buhay,” kaya very invested si hurado Jed Madela sa performance niya. Natuwa rin si Sir Louie nang kumasa si Kent sa challenge na Vice Ganda na kumanta ng OPM.

Sa huli, tinawag ang pangalan ni Alexa as the new defending champion, with 95.3% score. Ngunit idineklara rin si Kent bilang winner. It’s a tie. Pero dahil pasok na si Kent sa isa sa mga koponan, si Alexa na lamang ang babalik upang lumaban sa panibagong round ng KanTapatan.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, naitulak sa pader si Vhong sa sobrang tuwa | It’s Showtime | Cheezmis