← Back to Home
Eddie, nakaharap ang bestie ni Eden na si Cel | It’s Showtime

Eddie, nakaharap ang bestie ni Eden na si Cel | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 6/25/2025, 5:57:56 AM458 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Its Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Ion Perez#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Jackie Gonzaga#Ate Girl#Anne Curtis#Ogie Alcasid#MC#Lassy#Tawag ng Tanghalan#Trabahula#Breadwinner Edition#Darren Espanto#Sexy Babe#Hide & Sing#TagoKanta#Step In The Name of Love

‘Pag ganitong tag-ulan, ano ang paborito mong gawin? Dito sa “It’s Showtime,” paborito nila ang rainy day jamming! Chill and soulful lang ang playlist natin today hatid nina Paolo Benjamin at Miguel Benjamin ng grupong Ben&Ben.

Bukod sa pagsusulat ng kanta, paborito rin nila tuwing bumubuhos ang ulan ay pagsaluhan ang mainit na champorado, o pwede ‘yung tinolang humahagod ang sarap. Todo practice na kasi si Paolo sa kusina bilang paghahanda sa married life.

Si Ryan Bang, in-encourage na gayahin si Paolo. ‘Yun nga lang, mas magaling daw siyang tumikim kaysa magluto.

Ang love, parang roadtrip na walang ending. Anuman ang edad, always may chance for a new beginning. Walang age limit ang paghahanap ng thrill na legit. Katulad ni matchmate Eden. Senior man sa inyong paningin, palaban pa rin, sexy at confident.

Kung sina hakbangers Alex at Jo ay nag-step up dahil sa confidence ni matchmate, iba naman ang opinyon ni hakbanger Eddie, na hindi gusto ang maikli at seksing pananamit ng isang babae because of his religious beliefs.

Pagdating naman sa Round 2, si Eddie bumawi, natuwa sa pagiging homebody ni Eden. At do’n sa nabanggit na bisyo nitong paninigarilyo, si Eddie na raw ang bahalang baguhin ito. Na-curious si Eden sa mga POV ni Eddie. Gusto niya ng challenge! Let’s see kung sino raw sa kanila ni Eddie ang unang mababali, kaya ito ang kan’yang pinili.

Good vibes naman ang mga eksena nang mag-switch sina Eden at bestie Cel at nang papiliin si Eddie sa pagitan ng dalawang magkaibigan. Sino nga ba ang mas angat? Si Eden na mahilig sa superhero movies, o si Cel na little mermaid ang peg?

Samantala, naimbitahan ang mommy ni Jackie Gonzaga na maki-join sa mga ganaps on stage. Ang mommy, nag-sample ng budots! Alam n’yo na kung kanino namana ni Jackie ang dance moves niya! At kahit may nang-iintriga sa talent fee ng anak, dedma si mommy, na buo ang tiwala kay Vice Ganda.

Si Ryan Bang naman, sinubok ang kaalaman sa kanta ng mga co-hosts niya. Huwag kang magkakamali, Ryan, baka may magtampo, lalo na si Vhong Navarro!

Isa lang ang aangat sa daily round ng “Tawag Ng Tanghalan Year 9.”

Sinikap ni Antonette Sison ng Batangas City na agawin ang trono ng defending champion, singing “Two Less Lonely People in the World.” Aprub naman kay hurado Mark Bautista ang overall performance, pero dagdag niya, sana nilagyan pa ni

Antonette ng personal style. Komento naman ni Punong Hurado Louie Ocampo, wrong song ang napili ng batang mang-aawit.

“You Are The Reason” ang piyesa ni defending champion Kent Villarba. Puro papuri naman ang natanggap niya mula kay hurado Nyoy Volante.

Matapos ang matinding salpukan ng mga tinig, performance ni Kent ang nanaig. Babalik siya upang depensahan ang kan’yang trono.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Eddie, nakaharap ang bestie ni Eden na si Cel | It’s Showtime | Cheezmis