It’s a SLAYbration! Ang mga OA, mega slay! Sila ang mga OA sa kagandahan at awrahan, pati na sa performance level. Mga drag superstars, bumisita para umawra sa Day 4 ng MagPASKOsikat anniversary celebration ng "It's Showtime." Pero hindi nagpakabog ang mga pogi ng Showtime family na nag-transform bilang drag queens.
Who better to open this soafer pak na pak na production number than the Unkabogable Superstar herself, Vice Ganda, na reynang-reyna ang dating while singing. Call her ‘Mother’! Call her 'Majesty'! Call her 'Fanotra Phenomena'!
Ang bonggang mothering ni Meme sa entablado, sinundan ng isa-isang pagpasok ng mga drag superstars. NagPAKsikat sina Eva Le Queen, Turing, Shewarma at Popstar Bench. Fun and flirty ang energy nina Khianna at Angel Galang, at mas naging DRAGulous pa ang House of Ganda sa pagpasok nina Hana Beshie, Matilduh at Minty Fresh. Forda fierce naman ang arrive mga GOAT drag performers na sina Precious Paula Nicole at Viñas Deluxe.
Oh, pak! To the most bongga level ang fun sa DRAGpasikat dahil sa transformation ng Showtime boys na kinarir ang pagiging drag queens from head to toe. DRAGlamorous sina Jugs Jugueta as Erica Eureka, Vhong Navarro as Glutanya Lopez, Ogie Alcasid as Chona Agachona, Teddy Corpuz as Grande Ilongga at Ryan Bang as Unnie Batungbakal. At lalaban kay Beyoncé ang moves ni Jhong Hilario bilang Matamorphosis, na naniniwala sa kasabihang, "My eyes is 20/20 vision because slaying is my mission."
Silipin ang GALLERY pero huwag malilito sa transformations na makikita n’yo!
Mapapanood ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.
