It was a RAKsolutely WILD Thursday! Napa-ROCK and ROLL ang madlang people sa ika-apat ng araw ng MagPASKOsikat weeklong anniversary celebration ng "It's Showtime" kung saan nagsama-sama ang pinakamalalaking rock stars ng OPM.
1t’s 6iving isang masayang PASKOncert, na sinimulan ng Rocksteddy with Teddy Corpuz para sa "Superhero," at sinundan ng "Akin Ka Na Lang" ng The Itchyworms ni Jugs Jugueta. "Tara Lets" na rin sa girl power rockventure kasama sina Karylle at Aia De Leon. At para naman sa mga Gen Z ang hugot nina Carl Guevarra at Janine Berdin na kinanta ang "Ano Ba Talaga Tayo?"
Tumawid ulit sa OPM rakista classic ang set list with Noel Palomo ng Siakol on stage para sa kantang "Tropa" diretso hanggang "Lakas Tama." At hindi talaga mauubusan ng paandar si Anne Curtis. From her rapper era last Monday to her P-pop vibe performance on Tuesday, rakista naman ang peg niya today.
Syempre, hindi kumpleto ang ROCKpasikat sa FUNanghalian kung wala ang nag-iisang Rock Royalty ng bansa, si Bamboo, na ginawang mas electrifying ang "Santa Claus Is Coming to Town."
Let's rock all the way to Pasko! Let's go! Silipin ang mga larawan mula sa December 4 episode ng "It's Showtime!"
Catch “It’s Showtime,” airing Mondays to Saturdays, 12 NN on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, and iWant.
