← Back to Home
‘Ang taba ng LUHA!’ Kulot at Lucas, ang bilis umiyak sa aktingan challenge! | It’s Showtime

‘Ang taba ng LUHA!’ Kulot at Lucas, ang bilis umiyak sa aktingan challenge! | It’s Showtime

‘Ang taba ng LUHA!’ Kulot at Lucas, ang bilis umiyak sa aktingan challenge! | It’s Showtime

🕒 12/20/2025, 6:10:48 AM206 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeTayoNgayongPasko#Lucas#Kulot#acting#Jhong Hilario#Vice Ganda#Vhong Navarro

Nakaka-amaze ang talent ng mga little stars na naghatid ng good vibes sa Laro Laro Pick segment ng "It's Showtime." Ipinakilala ni Vice Ganda bilang special guest co-host para sa episode si Lucas Andalio, ang 7-year-old pamangkin ng aktres na si Loisa Andalio at gumaganap na 'anak' niya   sa MMFF 2025 movie "Call Me Mother." 

Bukod sa may potential bilang host, ibinida ni Vice ang husay ni Lucas sa pag-arte. Aniya, ang child actor ang pinakamagaling sa buong cast ng pelikula. At pinatunayan 'yan ni Lucas nang hingan ng sample ng paborito niyang eksena. Ilang segundo lang matapos mag-actor's cue, agad tumulo ang luha ng bata habang bumibitaw ng linya. 

Pero hindi rin nagpahuli ang pambato ng mga 'Batang Cute-po'! Game na kumasa si Kulot sa isang aktingan! Hiniram ni Kulot ang dialogue ni Lucas at ilang saglit pa'y tumulo na rin ang luha. 

Samantala, naglaro rin ang Showtime kids na sina Argus, Kelsey, Jaze, Enicka, Ayesha at Briseis, at ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina. Si Imogen naman ang leader sa kantahan sa 'You Gotta Lyric' round. 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime," Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.