← Back to Home
Vice Ganda, may gustong iparating sa mga politikong may pagkukulang sa taumbayan | It’s Showtime

Vice Ganda, may gustong iparating sa mga politikong may pagkukulang sa taumbayan | It’s Showtime

Vice Ganda, may gustong iparating sa mga pulitikong may pagkukulang sa taumbayan

🕒 12/15/2025, 3:04:30 PM250 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#It's Showtime 16th Anniversary#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Anne Curtis#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Typhoon Survivors

Sa ika-apat na araw ng MagPASKOsikat weeklong anniversary special ng "It's Showtime," December 4, bumuhos ang luha, malasakit at pag-asa. Inimbitahan sa Laro Laro Pick segment ang ilang kababayan nating lubos na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa Cebu at Negros Occidental. At sa kanilang pagdating sa game arena, ibinahagi nila ang mga sugat na iniwan ng unos. 

Hindi napigilan ng madlang people sa studio at maging ng netizens ang mapaiyak sa kuwento ni player Luna, mula sa Cebu at isa sa libo-libong tinamaan ng Bagyong Tino nitong Nobyembre. Namatayan siya ng dalawang anak (tatlong taong gulang ang isa, tatlong buwan naman ang isa pa) na parehong nalunod sa baha. 

Matapos ang pagbabahagi ni Luna, umasa si Vice na hindi lamang puso ang tatamaan ng kuwento niya kundi pati konsensya ng mga dapat managot. Aniya, ang kuwento ni Luna ay magmulat sana sa mata ng mga Pilipino. "Ito po 'yung istorya ng kawawang Pilipino na nanakawan at hinayaang magdusa sa mga ganitong pagkakataon ng delubyo, ng kalamidad. Hindi lang si Luna ang nakaransan niyan, napakarami," sabi ni Vice. 

Nanawagan din si Vice para sa hustisya. "Mayroong may kasalanan kung bakit nangyari ito sa inyo," sabi ni Vice sa mga biktima. "Ang ulan at bagyo, pangkaraniwang nangyayari 'yan pero 'yung ninakawan kayo ng pangprotekta sa inyo, hindi 'yan pangkaraniwan at dapat may managot no'n." 

Good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, may gustong iparating sa mga politikong may pagkukulang sa taumbayan | It’s Showtime | Cheezmis