← Back to Home
“Oksihina” ng John-Shaina, “Paalam Muna Sandali” ng Christian-Arvery pinusuan sa “TNT Duets 2” sa “It's Showtime”

“Oksihina” ng John-Shaina, “Paalam Muna Sandali” ng Christian-Arvery pinusuan sa “TNT Duets 2” sa “It's Showtime”

Swabe ang naging kantahan sa "TNT Duets 2," at isang fruit vendor ang sumubok ng kanyang swerte sa "Laro Laro Pick" sa "It's Showtime."

🕒 12/12/2025, 10:14:17 AM555 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It's Showtime#It's Showtime December 12#Laro Laro Pick#Laro Laro Pick Fruit Vendors#Vice Ganda#Jonathan Manalo#Nyoy Volante#JM Yosures#John Ramirez#Shaina Mae Allaga#Chistian Tibayan#Arvery Lagoring

Sa taas ng kanilang 'standards' sa tanghalan, hindi madaling ma-impress ang mga hurado ng "TNT Duets 2." Ilang beses na nilang ipinaliwanang na mas mahirap itawid ang isang duet kaysa sa solo performance. Sa duet, crucial ang timing, connection, at perfect harmony. Kaya naman, hindi na bago ang ‘gong’ sa mga duet performances na kapos sa chemistry.

Pero may mga araw rin na ang parehong pares ay swabe ang blending, tulad ng ipinarinig ng duos nina John Ramirez-Shaina Mae Allaga at Christian Tibayan-Arvery Lagoring sa December 12 episode ng "It's Showtime.

"Swabe" kung ilarawan ni hurado Jonathan Manalo ang duet nina John at Shaina ng "Oksihina" ni Dionela. "Ang sarap ng performance ninyo," komento ni hurado Jonathan. "Usually sa isang performance, ang mga highlights 'yung loud parts kapag nag-climax na. Pero sa inyo, ang highlight ng performance ninyo were the silent parts, 'yung mga parts na tahimik lang ang then nagha-harmonize kayo. Ang swabe. 'Yung presence, kahit na very soft notes, grabe ang binigay ninyo. I love it!

Parehong produkto ng "TNT Kids" at iba pang edisyon ng "Tawag Ng Tanghalan sina John at Shaina.

Samantala, parehong naging "TNT The School Showdown" grand finalists sina Christian at Arvery. Pero sa "TNT Duets 2," sanib-pwersa ang kanilang mga tinig sa pagkanta ng "Paalam Muna Sandali," ang official "PBB Collab 2.0" eviction song na orihinal na inawit ni Darren Espanto at isinulat ni hurado Jonathan. 

Marahil dobleng 'pressure' ang naramdaman nina Christian at Arvery  dahil pinanonood sila ng original singer at composer ng napiling piyesa. Pero kay hurado Jonathan na mismo nanggaling na ito ang pinakamagandang duet version na kanyang narinig, "Nagustuhan ko kung paano ninyo binago."

Dagdag komento ni hurado JM Yosures para sa singing duo, "Pinatunayan n'yo na hindi kayo underdogs because that was a magnificent performance." Si hurado Nyoy Volante naman ay halos walang ibang masabi kundi, "Ang galing!

Naging mahigpit ang laban, at talagang inabangan ng madlang people sa studio kung sino ang aangat sa entablado. Sumabog ang galak nina Christian at Arvery nang ianunsyo na panalo sila sa score na 96%. Nagpakita rin ng tuwa sina John at Shaina para sa kalaban, hanggang sa ipinaalam ni Vice Ganda na nag-tie ang dalawang pares.

Samantala, sa "Laro Laro Pick," pumitas ng swerte ang mga fruit vendors na bumida sa game arena. Kinilala ng hosts si Giging, na naluha habang ibinabahagi ang kanyang Christmas wish na mabilisang paggaling ng inang na-stroke at asawang may diabetes. Nabutas man ang bulsa dahil sa pagkakasakit ng asawa't ina, hindi siya nawawalan ng pag-asa  na tulad ng mga prutas na paninda ay tatamis rin ang buhay nila. 

Matapos ang apat na elimination rounds, si fruit vendor Ems ang sinuwerteng nakapaglaro sa jackpot game. Maagang tinapos ni Vice Ganda ang tawaran sa halagang P10,000 dahil hindi na mababago ang desisyon ni Ems na piliin ang P100,000 Pot question. Hindi nga lang hinog ang swerte ni Ems, na bigong masagot ang Pot question tungkol sa Tagalog ng "cotton fruit," kaya P1,000 lang ang naiuwing papremyo. Gayunpaman, hinangaan ng madlang people ang kanyang tapang. 

'Forda vibe' naman ang nakakaindak na latest single ni Khimo, "Isayaw Mo Lang," na ipinarinig niya sa madlang people. 

More good vibes at pag-asa ang hatid ng "It's Showtime" tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 NN sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), A2Z, GMA 7, at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
“Oksihina” ng John-Shaina, “Paalam Muna Sandali” ng Christian-Arvery pinusuan sa “TNT Duets 2” sa “It's Showtime” | Cheezmis