Tuloy ang pagpapasaya ng BINI sa Blooms o kanilang fans, ngayon naman sa New York City.
Nakiisa rin ang Nation’s Girl Group sa selebrasyon ng Philippine Independence Day sa The Big Apple.
Samantala, inilabas na ang bagong poster para sa 'Chapter 3: Hanggang Dulo' - ang ikatlo at huling bahagi ng documentary series tampok ang Nation's Girl Group mula sa documentarists na sina Jet Leyco at ABS-CBN News chief of reporters Jeff Canoy. Nagpapatrol, Ganiel Krishnan. TV Patrol, Lunes, 2 June 2025.
