Bata pa lang, kinahiligan ng The Voice USA na si Sofronio Vasquez ang musika.
Marunong kumanta ang buong pamilya nina Sofronio, sabi niya "We all can sing. Ako lang yung makapal yung mukha."
Hindi niya malimutan nang sumali siya noon sa isang school play.
Kwento niya, "this is very funny in-invite ko sila ni mama sa school, manood ng school play. Ang akala niya, yung role ko ay maganda. Ang role ko, asong ulol. Kumakahol lang ako nang kumakahol. But I really enjoyed it. Nagalit sila kasi akala nila may acting and may singing. Kasi sinabi ko, ganda ng role ko. Hindi ko naman in-explain na kumakahol lang ako the whole time."
Core memory rin ni Sofronio ang sinalihang kumpetisyon sa radyo noong siya ay nasa high school pa.
"Radyo kampana na competition. Panalo namin ay bigas, alak. Yung audience namin ay mga kaibigan nating tricycle driver. Well, fortunately, I won. Pero hindi na nasundan kasi mas nag-enjoy na ako sa live band nung bumalik ako sa school, after ng laban na yan, talagang battle of the bands."
Hanggang sinwerte siyang maging bahagi ng Tawag ng Tanghalan. At ang dating audition king, umabot hanggang grand finals.
Hindi man pinalad manalo, kinuha naman siya ng programa bilang vocal coach ng mga sumunod na contestants.
Taong 2022 nang bumiyahe pa-Amerika si sofronio, doon siya nakakita ng pagkakataon na mag-aral at isina-isang tabi muna ang musika.
Sa Amerika rin nagkaroon ng oportunidad na lumahok siya sa The Voice kung saan siya tinanghal bilang unang Asian winner ng kompetisyon.
Ulat ni MJ Felipe para sa programang Tao Po. (January 26, 2025)
Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.
