MAYNILA -- Masayang-masaya ang aktres na si Jennica Garcia sa pinakabagong papel na kanya ngayong ginagampanan.
Sa naging pagbisita nito sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Garcia na sa mga role na kanyang ginagawa katulad ng pagiging aktres, ina, anak at kapatid, ang pagmamahal sa sarili ay ang role na pinakagusto niya ngayon.
"Ang sarap lang. Parang napansin ko kasi na parang all my life sobra akong dependent na may magpupuno ng cup ko para sa akin, para masabi ko na puno ako," ani Garcia.
"Ewan ko, siguro dahil lumaki ako na hiwalay ang parents ko, so sabi ko, ay kailangan ko ng tatay para kumpleto na ako. Tapos dumating ako sa point na, ay hindi pa rin ako kumpleto, kailangan ko ng asawa. Kapag may asawa na ako kumpleto na ako. Tapos noong nag-asawa ako sabi ko, parang may kulang, parang anak. Tapos dumating na 'yung dalawang anak ko pero pakiramdam ko ay parang mayroon pa ring kulang na hindi ko ma-pinpoint kung ano exactly.
"Hanggang sa natutunan ko na po kung paano tumayo mag-isa. Doon ko na-realize na kailangan pala mahal ko ang sarili ko para mayroon akong pagmamahal na kaya kong ibigay," paliwanag ni Garcia.
Matatandaang muling nagningning ang bituin ni Garcia sa showbiz nang maging isa siya sa mga bida ng seryeng "Dirty Linen" na nagtapos nitong Agosto 2023.
Sa "Magandang Buhay," nakasama rin ni Garcia ang kanyang kapatid na si Kotaro Shimizu na ibinida ang pagiging mabuting ate ng aktres.
Jennica Garcia gets her second wind in showbiz
Christian Bables reveals new project with Jennica Garcia
WATCH: Jennica Garcia turns emotional for Melai Cantiveros' achievements
Mga kaugnay na video:
