← Back to Home

P14.6-M halaga ng smuggled na sigarilyo nasamsam sa Bago City

Mahigit P14.6 milyong halaga ng smuggled o hindi nabuwisang sigarilyo ang nasamsam ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa checkpoint operation at follow-up raid sa Bago City, Negros Occidental noong Huwebes, Agosto 6.

🕒 8/7/2026, 3:17:48 AM252 wordsEN
Jeff Caparas

Jeff Caparas

Jeff Caparas, an ABS-CBN News reporter with 12+ years of experience, covers crime and national security. Host of Philippines’ Most Shocking Stories and DZMM’s Spot Report, he’s a DLSU-Dasmariñas graduate and a UP Jaena Journalism Workshop fellow.

#smuggling#cigarettes

Mahigit P14.6 milyong halaga ng smuggled o hindi nabuwisang sigarilyo ang nasamsam ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa checkpoint operation at follow-up raid sa Bago City, Negros Occidental noong Huwebes, Agosto 6. Courtesy: PRO NIR PIO

MAYNILA — Mahigit P14.6 milyong halaga ng smuggled o hindi nabuwisang sigarilyo ang nasamsam ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa checkpoint operation at follow-up raid sa Bago City, Negros Occidental noong Huwebes, Agosto 6.

Nagsimula ang operasyon sa isang checkpoint sa Barangay Lag-asan matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa isang van na umano’y nagdadala ng mga ilegal na sigarilyong ipamamahagi sa lungsod.

Nang inspeksyunin ng mga pulis ang puting aluminum van, napansin nilang may mga ream ng sigarilyo na itinago sa ilalim ng mga labada. Umamin naman umano ang driver na ikinarga ang mga ito mula sa isang compound sa Purok Narra, Barangay Malingin.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa nasabing lugar.

Pagdating sa compound, nakita umano ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang mga paparating na awtoridad kaya agad na tumakas at tumalon sa bakod ng lugar.

Sa isinagawang beripikasyon, natagpuan ng mga pulis sa loob ng isang silid ang daan-daang kahon ng hinihinalang smuggled na sigarilyo.

Nakumpiska sa operasyon ang 255 kahon ng hinihinalang ilegal na sigarilyo, isang puting aluminum van, at isang puting kotse. Tinatayang nasa P14,611,500 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam.

Nasa kustodiya na ng Bago CCPS ang lahat ng ebidensya habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot.


KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.