← Back to Home
77-anyos natagpuang patay sa septic tank

77-anyos natagpuang patay sa septic tank

Natagpuang patay sa loob ng ginagawang septic tank sa isang subdivision ang isang 77-taong gulang na ginang sa Minglanilla, Cebu, Huwebes ng umaga.

🕒 8/7/2026, 1:59:55 AM181 wordsEN
Annie Perez

Annie Perez

Annie Perez, a Central Visayas multimedia journalist, excels in reporting & environmental coverage. UP Cebu grad, she honed skills at ABS-CBN Cebu in news, directing, & producing. Globe Media's 2025 2nd placer for TV News, she now shares her expertise teaching communication.

#Tagalog news#regions#regional news#odd#septic tank#cebu

Natagpuang patay sa loob ng ginagawang septic tank sa isang subdivision ang isang 77-taong gulang na ginang sa Minglanilla, Cebu, Huwebes ng umaga.

Ayon sa Minglanilla Police Station, noong Lunes nawala ang ginang na residente ng Barangay Tungkil.

“We rule na aksidente ang nangyari. Pagtingin namin sa background ng biktima, mayroon siyang sakit na Alzheimer’s,” sabi ni Minglanilla police chief LtCol. Maria Theresa Macatangay. 

Malapit aniya ang septic tank sa bahay ng biktima. 

“May nakarinig nang malakas na ingay pero pagtingin nila sa bintana, wala namang tao,” dagdag ni Mactangay.

Pinaghihinalaan nilang lumabas ang bitkima at nahulog kaya maaaring walang foul play sa nangyari.

Tinitignan din na dahil sa lalim ng septic tank, hindi na nakahingi ng saklolo ang matanda.

Nakita ng otoridad na ang gagawin pa lang na septic tank ay tinakpan lang ng mga GI sheet.

Hinihintay pa ang resulta sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives sa insidente.


IBA PANG BALITA: 

Lalaki nanloob sa bahay sa Pasig, minolestya pa ang naabutang bata
Mga kabaong natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila
Warehouse nasunog sa Marilao, Bulacan

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
77-anyos natagpuang patay sa septic tank | Cheezmis