Apat na bayan sa La Union ang binaha bunsod ng malakas na ulan na dala ng Bagyong Luis noong Lunes, August 3, 2026.
Ayon kay La Union Governor Mario Ortega, may mga baradong drainage at mga ilog na puno na ng banlik kaya hindi maiwasan ang pagbaha sa probinsiya. Ayon pa sa kanya, sa kanilang probinsiya natural na bumababa ang tubig mula Baguio City na binayo rin ng malakas na ulan.
Apat sa 19 na bayan sa La Union ang may naitalang pagbaha kabilang ang Bauang, City of San Fernando, Santo Tomas, at Naguillan.
Dagdag pa ng gobernador, 34 barangay sa mga bayan ng Bauang, Naguillan, at San Fernando ang dumadanas ng 'on-and-off power interruptions' mula noong Lunes hanggang Martes.
Suspendido rin ang klase sa pampubliko at pribadong mga paaralan noong Lunes, August 3, at Martes, August 4, habang suspendido naman ang pasok sa mga pampublikong ahensiya ng La Union ngayong Martes, August 4, ayon pa kay Ortega.
Sa Situation Report (SitRep) ng La Union as of 1 PM, August 4, na ibinigay ni John Elysar Martin, Information Officer ng Provincial Government of La Union, nakapagtala ng 260 na pamilya ang pinalikas mula sa anim na bayan, kabilang ang mga binahang bayan ng Bauang at Naguillan, at apat pang bayan kung saan nagpatupad ng preemptive evacuation, kabilang ang Aringay, Bacnotan, Bangar, at Bagulin.
Ayon pa kay Martin, humupa rin ang baha noong Lunes ng gabi, August 3, at humupa na rin ang ulan bandang alas-3 ng hapon ng Martes, August 4, kaya unti-unti nang pinauuwi ang mga residente mula sa evacuation centers.
Tropical Depression Luis to drench much of Luzon
'Luis' weakens into a low pressure area; new LPA forms over West PH Sea
Over 6K families affected by Typhoon ‘Luis’; sea travel suspended in 9 ports
RELATED VIDEO
