← Back to Home

Lalaki kulong matapos kumuha ng 3 pirasong alimango sa palaisdaan

Mahaharap sa kasong theft ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Binmaley PNP.

🕒 8/4/2026, 6:03:00 AM141 wordsEN

Terry Aquino

#Alimango#Theft#krimen#kulong

Kulong ang inabot ng isang 24 taong gulang na lalaki sa Binmaley, Pangasinan matapos maaktuhang naglalabas ng tatlong pirasong alimango sa isang palaisdaan sa Bgy. Canaolan noong Linggo. Binmaley PNP via Terry Aquino

DAGUPAN CITY — Kulong ang inabot ng isang 24 taong gulang na lalaki sa Binmaley, Pangasinan matapos maaktuhang naglalabas ng tatlong pirasong alimango sa isang palaisdaan sa Bgy. Canaolan noong Linggo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, habang binibisita ng biktima ang kanyang palaisdaan upang tingnan ang kondisyon ng mga alagang alimango, eksakto namang inilalabas ng binata ang mga alimango.

Ayon sa Binmaley PNP, isinailalim sa citizen’s arrest ng may-ari ng palaisdaan ang suspek bago iti-nurn over sa pulisya. 

Bitbit nito ang mga umano'y ninakaw na alimango na tinatayang nagkakahalaga ng kulang P1,000.

Mahaharap sa kasong theft ang suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Binmaley PNP.


KAUGNAY NA VIDEO


Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.