← Back to Home
Dalagang ayaw makipagbalikan sa nobyo, patay sa saksak

Dalagang ayaw makipagbalikan sa nobyo, patay sa saksak

Patay ang 21-anyos na babaeng sinaksak umano ng kaniyang dating nobyo sa Sibonga, Cebu.

🕒 8/3/2026, 2:23:29 AM136 wordsEN
Annie Perez

Annie Perez

Annie Perez, a Central Visayas multimedia journalist, excels in reporting & environmental coverage. UP Cebu grad, she honed skills at ABS-CBN Cebu in news, directing, & producing. Globe Media's 2025 2nd placer for TV News, she now shares her expertise teaching communication.

#Tagalog news#crime#regions#regional news#odd#stabbing#cebu

Patay ang 21-anyos na babaeng sinaksak umano ng kaniyang dating nobyo sa Sibonga, Cebu.

Ayon sa pulisya, sinaksak ang biktima sa kaniyang leeg gamit ang kutsilyo nitong Sabado ng umaga sa Barangay Poblacion. 

“Sinaksak din ng suspek ang kaniyang sarili sa leeg at dibdib,” ani PMaj. Michael Calaurian, officer-in-charge ng Sibonga police. 

Nag-aaral pa ang biktima ng kursong IT at umuupa ng boarding house sa Sibonga.

College student ang kaniyang dating nobyong suspek na 21-taong-gulang din.

Napag-alaman na gusto sanang makipagbalikan ng suspek sa biktima pero tumanggi ito. 

Agad na namatay ang biktima habang dinala sa ospital ang suspek na ngayon ay nagpapagaling. 


IBA PANG BALITA:

80-anyos na lalaki binaril ng sariling bayaw dahil sa agawan sa lupa 
Ex-barangay secretary fatally shot, records final video naming alleged mastermind 
Umano’y middleman sa pagpatay kay 'Mima Alicia' sumuko 

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.