Sumiklab ang sunog sa isang tatlong palapag na commercial building sa Carmen Planas Street kanto ng Recto Avenue sa Divisoria, Maynila ngayong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Fire Senior Inspector Ronald Lim, ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong 6:15 ng gabi nang sumiklab ang sunog, agad iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog dakong 6:38 ng gabi.
Mahigit 20 fire trucks ang rumesponde.
Over 350 families affected by Tondo fire
Batay sa salaysay ng nasunugan na tumangging humarap sa media, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng commercial building na nagsisilbing imbakan nila ng mga catering items gaya ng mga aluminun ware, utensils gaya ng mga kutsara at tinidor, mga plato, at iba pa.
"Ang involved po natin dito ay three story [building] commercial siya, sa taas ay mga stockroom nila. Mabilis naman po ang responde natin, nakuha natin agad ang magkabilang sulok ng building pati ang likod kaya wala nang nadamay pang iba [building]. Mga pang catering mga utensils, plato, baso. High rise yung nagpahirap pero mabilis naman nating napatay," sabi ni Lim.
Yacht catches fire during test run with potential buyer aboard in Malabon River
Umakyat agad ito sa ikatlong palapag na pawang imbakan din ng mga naturang items, hanggang sa bumaba na rin hanggang sa ground floor ang sunog.
Walang empleyado sa loob ng gusali nang mangyari ang insidente.
Ayon sa BFP, wala ring nasugatan o nasawi sa sunog habang iniimbestigahan pa nila ang posibleng pinagmulan ng apoy.
Dakong 7:53 ng gabi nang maideklara ang fire out.

