← Back to Home
Torre nakiisa sa protesta, nanawagan ng 'kapayapaan at pagkakaisa'

Torre nakiisa sa protesta, nanawagan ng 'kapayapaan at pagkakaisa'

Nagpaalala ang dating PNP chief na si General Nicolas Torre III sa mga magpoprotesta na maging maingat at responsable sa darating na malawakang rally laban sa korapsiyon sa Linggo.

🕒 9/20/2025, 12:58:06 PM177 wordsEN

Dennis Gasgonia

#Nicolas Torre III#PNP#Protest#Trillion Peso March

MANILA - Nagpaalala ang dating PNP chief General Nicolas Torre III sa mga magpoprotesta na maging maingat at responsable sa darating na malawakang protesta laban sa korapsiyon sa Linggo.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Torre na pagkakataon na para ipakita ang "lakas ng taumbayan" kontra sa korapsiyon.

Torre sacked as PNP chief as Marcos backs Napolcom authority 

 "Galit na ang tao sa korapsiyon. Sawang sawa na tin tayo sa panlilinlang. Bukas, sa mga rally, ipakita natin ang lakas ng taumbayan," ang sabi ng dating PNP chief.

"Gawin natin ito nang maingat, responsable, at mapayapa. Ating tandaan, ang tunay na pagbabago ay hindi nagmumula sa karahasan, kundi sa pagkakaisa."

"Ako po si Gen. Nicolas Torre III, kasama n’yo laban sa korupsiyon at pang-aapi."

Matatandaang sinibak sa puwesto si Torre matapos ang hindi pagkakaunawaan sa National Police Commission kaugnaya ng pag-reshuffle ng ilang opisyal ng PNP.

Ex-PNP chief Torre 'did not agree with Napolcom directives,' says Marcos

 Kasama sa naapektuhan ng pagbalasa ni Torre ang ngayon ay humalili sa kanyang puwesto na si PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Torre nakiisa sa protesta, nanawagan ng 'kapayapaan at pagkakaisa' | Cheezmis