← Back to Home

Rufa Mae Quinto nag-overnight sa NBI matapos di makapagpiyansa

Sa opisina na ng National Bureau of Investigation nagpalipas ng gabi ang aktres si Rufa Mae Quinto matapos siyang hindi makapagpiyansa nitong Miyerkules.

🕒 1/9/2025, 4:14:04 AM287 wordsEN

ABS-CBN News

#ABSNews#Rufa Mae Quinto#NBI

Rufa Mae Quinto. Screenshot mula sa video ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN NewsRufa Mae Quinto. Screenshot mula sa video ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

MAYNILA — Sa opisina na ng National Bureau of Investigation nagpalipas ng gabi ang aktres si Rufa Mae Quinto matapos siyang hindi makapagpiyansa nitong Miyerkules.

Nahaharap si Quinto sa kasong 14 counts ng paglabag umano sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga reklamong sinampa ng investors laban sa isang skin care company.

Ayon sa ulat, puwedeng magpiyansa si Quinto sa lahat ng kaso sa halagang P126,000 bawat isa, na may kabuuang halaga na P1.7 milyon.

Bagama’t nakatulog nang nasa 7 oras si Quinto sa opisina ng NBI, nahilo at na-stress aniya siya at tumaas ang blood pressure dahil sa "sobrang stress."

"May pinagdaraanan ako pero tingin ko 2025 is the stop of everything hindi maganda," aniya.

Dagdag ni Quinto, gusto niya ring makilala ang sinasabing mga nagreklamo ukol sa umano'y investment scam para malaman kung "ano'ng nangyari."

"Gusto kong malaman kung bakit nga ako in-ano, at kung sino sila. Para ma-clarify lang, wala namang — kaya maganda nga na may proseso, may abogado pero siyempre kahapon na-sad din ako para sa mga taong na-injustice," sabi ni Quinto.

"Pero ibig sabihin may justice pa rin naman, I'm just saying lang na nakaka — ganito pala 'yung sitwasyon na parang di mo alam may warrant," aniya.



Nauna nang sinabi ng abogado ni Quinto na "biktima" rin ang aktres.

Rufa Mae Quinto surrenders to NBI over investment scam allegations

"My client is a victim kasi nga siya rin po mismo, hindi siya nabayaran pa which is aasikasuhin ko rin after this case. Focus muna kami, one step at a time," ani Atty. Mary Louise Reyes.

'My client is a victim,' Rufa Mae Quinto’s lawyer says following NBI surrender

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.