← Back to Home
MOTHER’S DAY SPECIAL! Ryan, natulungan si nanay Bing na maiuwi ang 350K | It’s Showtime

MOTHER’S DAY SPECIAL! Ryan, natulungan si nanay Bing na maiuwi ang 350K | It’s Showtime

MOTHER’S DAY SPECIAL! Ryan, natulungan si nanay Bing na maiuwi ang 350K | It’s Showtime

🕒 5/9/2026, 7:14:09 AM441 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#MotherShowtime#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Ryan Bang#jackpot round#pot#350k#nanay Bing#mother's day#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Karylle#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Jackie Gonzaga

Deserve ng isang ina ang kaginhawaan, kahit sa maliit na paraan. Dahil sa bigat ng mundo na kanilang pasan, kahit kaunting saya ay malaking lunas sa pagod na nararamdaman. Sa kanila ang korona kaya mga nanay ang reyna sa "It's Showtime" Laro Laro Pick game arena.

Dala nila ang mga kuwentong may kurot sa puso, katulad ng motherhood journey ni Weng, na nagpapatunay sa kasabihang ang pagiging ina ay hindi nasusukat sa dugo. Naging ina si Weng sa batang ipinagkatiwala sa kanya ng isang kaibigan na nangibang-bansa upang magtrabaho. At para mabuo ang pagkatao ng bata, pumayag siyang ipahiram ang pangalan niya bilang "ama" sa birth certificate nito. Hindi pinagsisisihan ni Weng ang naging desisyon, dahil kahit lumipas ang mahabang panahon, siya pa rin ang itinuturing na tahanan ng anak.

Maging si Vice Ganda ay naging emosyonal sa kuwento ni Ambeck, na nagpakatotoo sa mga challenging parts ng pagiging ina, katulad ng pagod at minsang 'di pagkakaunawaan nila ng mga anak. Pag-amin ni Ambeck, struggle is real sa komunikasyon at paggabay sa mga anak na Gen Z. Kaya grateful din siya kay mister who doesn't make her feel alone and lonely.

Paalala sa kanya ni Meme, pwedeng mapagod ang isang nanay. At sa mga oras ng pagkapagal, mahalagang kilalanin ang sarili upang alam mo rin kung ano ang magbabalik ng 'yong ngiti.

Lahat naman ay napangiti pero si Ryan Bang ay napangiwi sa pinakabagong paandar sa Laro Laro Pick. Sa 'You Gotta Lyric' round, sumabak ang "It's Showtime" hosts sa aktingan kung saan ang mga linyahan ay hango sa mga popular na kanta, na ang title ay kailangang mahulaan ng player.

Ang sabi, aktingan lang! Pero 'yung sampal ni Jackie Gonzaga kay Ryan, makatotohanan! Saktong-sakto ang linya ni Ryan, "Aray! Aray! Naku! Kay sakit naman ng ginawa mo!" Kaya pagkatapos ng akting, parang gumamelang mamula-mula ang pisngi ng oppa!

Dahil walang nakasagot sa 12 players, bumunot ng "It's Showtime" host na maglalaro. Pangalan ni Ryan ang na-pick! Kaya habang iniinda ang hapdi ng pisngi, game pa rin siyang sumabak sa jackpot round with high energy.

Araw ni Ryan 'to! Matapang niyang sinugalan ang P350, 000 POT question kapalit ng P50,000 Li-Pot offer for his partner player na si nanay Bing. Makapigil-hininga ang mga eksena nang sagutin ni Ryan ang tanong tungkol sa pelikula kung saan nanalo ng Best Actor si Vice Ganda. "Call Me Mother," sigaw ni Ryan. Bumuhos ang luha sa panalong nasungkit ni Ryan para kay nanay Bing, na nag-uumapaw ang kaligayahan.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
MOTHER’S DAY SPECIAL! Ryan, natulungan si nanay Bing na maiuwi ang 350K | It’s Showtime | Cheezmis