Sa ating mga tahanan, they always slay. Sila ang nagmamahal in the most iconic way. Dahil deserve nila ang korona, mga nanay ang reyna sa "It's Showtime" Laro Laro Pick game arena.
Dala nila ang mga kuwentong may kurot sa puso, katulad ng motherhood journey ni Weng, na nagpapatunay sa kasabihang ang pagiging ina ay hindi nasusukat sa dugo. Naging ina si Weng sa batang ipinagkatiwala sa kanya ng isang kaibigan na nangibang-bansa upang magtrabaho. At para mabuo ang pagkatao ng bata, pumayag siyang ipahiram ang pangalan niya bilang "ama" sa birth certificate nito. Hindi pinagsisisihan ni Weng ang naging desisyon, dahil kahit lumipas ang mahabang panahon, siya pa rin ang itinuturing na tahanan ng anak.
Maging si Vice Ganda ay naging emosyonal sa kuwento ni Ambeck, na nagpakatotoo sa mga challenging parts ng pagiging ina, katulad ng pagod at minsang 'di pagkakaunawaan nila ng mga anak. Pag-amin ni Ambeck, struggle is real sa komunikasyon at paggabay sa mga anak na Gen Z. Kaya grateful din siya kay mister who doesn't make her feel alone and lonely.
Paalala sa kanya ni Meme, pwedeng mapagod ang isang nanay. At sa mga oras ng pagkapagal, mahalagang kilalanin ang sarili upang alam mo rin kung ano ang magbabalik ng 'yong ngiti.
Lahat naman ay napangiti pero si Ryan Bang ay napangiwi sa pinakabagong paandar sa Laro Laro Pick. Sa 'You Gotta Lyric' round, sumabak ang "It's Showtime" hosts sa aktingan kung saan ang mga linyahan ay hango sa mga popular na kanta, na ang title ay kailangang mahulaan ng player.
Ang sabi, aktingan lang! Pero 'yung sampal ni Jackie Gonzaga kay Ryan, makatotohanan! Saktong-sakto ang linya ni Ryan, "Aray! Aray! Naku! Kay sakit naman ng ginawa mo!" Kaya pagkatapos ng akting, parang gumamelang mamula-mula ang pisngi ng oppa!
Dahil walang nakasagot sa 12 players, bumunot ng "It's Showtime" host na maglalaro. Pangalan ni Ryan ang na-pick! Kaya habang iniinda ang hapdi ng pisngi, game pa rin siyang sumabak sa jackpot round with high energy.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa ABS-CBN sa ALLTV2, GMA 7, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
