← Back to Home
BINI Sheena, nakatanggap ng papuri mula kay Vhong | It’s Showtime

BINI Sheena, nakatanggap ng papuri mula kay Vhong | It’s Showtime

Ramdam talaga ang kilig ni BINI Sheena dahil hindi lang niya nakitang muli ang idolong si Vhong Navarro, nakatanggap pa siya ng papuri mula rito. Kaya ang na-say na lang ni Bebe Shee, "Sobrang inspired ko po talaga," sabay flash ng cutest smile niya.

🕒 3/9/2026, 4:51:39 AM251 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#BINI#BINI on Showtime#BINI It's Showtime#BINI Aiah#BINI Colet#BINI Maloi#BINI Gwen#BINI Stacey#BINI Mikha#BINI Jhoanna#BINI Sheena#BINI Unang Kilig#BINI Unang Kilig Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime March 9 2026#

Huwag matakot na gamitin ang boses at maglabas ng saloobin dahil ang tinig mo’y baka magdala ng hinahanap na pagbabago. At huwag matakot mag-confess kay crush para ang feelings ay hindi mauwi sa ‘what-ifs’ at overthinking. Malay mo, mutual pala ang inyong feelings! That is the cutest and kilig-est!

Kilig din ang feeling na bumalot sa "It's Showtime" studio sa pagdating ng paboorito nating walo–sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, and Sheena. For sure, Blooms ay magba-blush as BINI reminds us of that 'Unang Kilig' feels from our first crush. Tumitig nang mabuti dahil baka ikaw ay 'matulaley' as BINI shows us their 'unang kilig' faces na so, so pretty!

Ramdam talaga ang kilig ni BINI Sheena dahil hindi lang niya nakitang muli ang idolong si Vhong Navarro, nakatanggap pa siya ng papuri mula rito. Kaya ang na-say na lang ni Bebe Shee, "Sobrang inspired ko po talaga," sabay flash ng cutest smile niya.

Samantala, sa 'Laro Laro Pick' game arena, kasama natin ang mga bisitang buhok ay mapuputi ngunit may makukulay na ngiti. Age is just a number, dahil ang mga bisitang senior citizens ay keri pa rin mag-spread ng laughter. Nagbahagi pa sila ng love stories to inspire the Gen Zs na huwag sumuko sa love, dahil at the right moment, darating ang 'the one' na biyaya ng Man above.

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.