Si 'President' Nadine Lustre, may pa-ayudang kilig sa mga sumusubaybay sa relasyon nila ng kasintahang si Chris Bariou. Muli rin siyang napanood bilang host sa "It's Showtime."
Naghugis-puso ang mga mata ng "It's Showtime" viewers over an iconic TV moment sa pasasama-sama nina Anne Curtis, Kim Chiu, Nadine at Vice Ganda bilang mga hosts sa 'Laro Laro Pick' game arena.
It's giving Miss Universe! Kung si Kim ang gandang chinita, si Anne ang gandang mestiza, at si Nadine ang gandang morena, si Meme Vice naman daw ang... gandang panabla! Kung ihahambing daw sa menu, main course ang tatlo, at si Meme naman ang pantanggal ng umay.
Masaya sina Vice at Nadine sa kanilang mini-reunion after their movie "Call Me Mother." Comeback din ito para kay Nadine, the internet's 'President,' na naging semi-regular "It's Showtime" host noong 2017.
History maker talaga ang episode dahil isang short but sweet duet din ang pinagsaluhan ni Nadine at boyfriend na si Chris Bariou pagkatapos ng 'You Gotta Lyric' round. Napansin kasi ni Vice na nakiki-sing-along din si Chris, kaya binigyan ito ng mikropono at pinag-sample with Nadine. Biro ng Showtime family, para bang namumula sa hiya si Chris, pero pinatunayan nito ang pagiging good sport.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
