← Back to Home
Nanay Elizabeth, hindi nakilala ang IDOL niyang si Anne | It’s Showtime

Nanay Elizabeth, hindi nakilala ang IDOL niyang si Anne | It’s Showtime

Sabi ni lola Elizabeth, gusto niyang makita si Anne, na paborito niyang aktres. Pero hindi niya namukhaan ang magandang babae sa kanyang harapan. “Akala ko po si Anne Curtis,” sabi ni nanay.

🕒 2/5/2026, 5:28:27 AM281 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Elizabeth Showtime#Nanay Elizabeth Anne Curtis Showtime#Nanay Elizabeth Anne Showtime#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 5 2026#Anne hindi nakilala

Laughter at good vibes ang mainam na 'maintenance' para makaiwas sa lungkot. At dito sa “It’s Showtime” ang pila para sa ayuda!

Special request ni Vice Ganda na maglaro ang mga lolo't lola sa ‘Laro Laro Pick’ game arena. Nakakaaliw naman kasi ang pagiging totoo nila. Katulad nina Elizabeth at Els, na nahuling 'nagmamarites.' Ang kanilang pinagbubulungan, "Si Anne Curtis ba 'yan?"

Sabi ni lola Elizabeth, gusto niyang makita si Anne, na paborito niyang aktres. Pero hindi niya namukhaan ang magandang babae sa kanyang harapan. “Akala ko po si Anne Curtis,” sabi ni nanay. Walang kaalam-alam ang dalawang lola na kaharap na nila ang Dyosa. Pero nang si Anne ay kumanta, ang nasabi nila, "Ay, ikaw nga!" Sa boses lang pala makikilala!

Nalito rin si Meme kina lola Agnes at Lassy. Who’s who? Si Lola Agnes, mukhang fresh. Pero si Lassy raw, mukhang naa-AGNES!

Grey hair is a crown of wisdom, 'ika nga. Masarap kakuwentuhan ang mga matatanda dahil palagi silang may iniiwan na aral at inspirasyon hango sa kanilang mga buhay na pinagtibay ng panahon. Napahugot si Meme Vice tungkol sa mga politiko dahil sa sagot ni Ka Dondoy na ang tangi niyang pangarap sa buhay ay makakain sa araw-araw at makabili ng gamot. Maya-maya pa, naging emosyonal naman si Ka Dondoy nang maglabas ng sama ng loob tungkol sa 'respeto' ng bagong henerasyon.

At 'wag silang 'ismolin' dahil kahit paminsan-minsan ay sumasakit na ang mga tuhod at likod, game pa rin sila sa paghataw. Very good din ang performance sa ‘It's Giving!’

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Nanay Elizabeth, hindi nakilala ang IDOL niyang si Anne | It’s Showtime | Cheezmis