← Back to Home
Coco, tinodo na ang makapigil-hiningang aksyon sa huling 3 linggo ng “FPJ’s Batang Quiapo”

Coco, tinodo na ang makapigil-hiningang aksyon sa huling 3 linggo ng “FPJ’s Batang Quiapo”

Ipinagmamalaki ni Coco Martin ang inihahandog niyang pasabog na umaatikabong ratratan na finale para sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

🕒 2/23/2026, 6:06:24 PM317 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Coco Martin#FPJ’s Batang Quiapo#Batang Quiapo#Batang Quiapo Finale#Batang Quiapo Huling 3 Linggo#Tanggol Montenegro#Primetime King

“Ito ang pinakamalaking show na nagawa ko.”

Ipinagmamalaki ni Primetime King Coco Martin ang inihahandog niyang pasabog na umaatikabong ratratan na finale para sa “FPJ’s Batang Quiapo” na tiyak na tatatak sa kasaysayan ng telebisyon.

Ipinapangako ni Coco na hitik na hitik sa aksyon ang huling tatlong linggo ng pinakapinapanood na teleserye sa bansa mula 2023. 

Hindi ko bibiguin ang mga manonood. Gusto ko deserve nila ‘yung ending, ‘yung hindi pa nila napapanood at nakikita. Hindi pa na-eexperience ng mga manonood ang mapapanood nila sa ‘Batang Quiapo.’ Sobrang lalaki ng mga eksena. Unexpected,” sabi niya sa panayam sa “TV Patrol.”

Nagpatikim na nga ang ABS-CBN sa inilabas na finale trailer at first look stills para sa nakatakdang mga makapigil-hiningang engkwentro sa serye ngayon na haharapin na ni Tanggol ang pinakahuli niyang laban.

Ipinasilip dito ang mala-pelikula at mas pinagandang action scenes at komprontasyon kung saan sunod-sunod ang bakbakan ni Tanggol (Coco) laban sa pinakamatindi niyang kalaban na si Rigor (John Estrada), at ang pagsugod niya sa city hall kasama ang buong-pwersa ng kanyang mga taga-suporta upang patalsikin sa pwesto ang pamilya Guerrero para opisyal na siyang matanghal bilang mayor.



Bukod sa walang humpay na maaaksyong kaganapan, dapat din abangan ang isa sa mga pinaka-emosyonal na eksena matapos malagay sa bingit ng kamatayan ang buong tropa ni Tanggol dahil sa hindi inaasahang paglaglag sa kanila ni Enteng (Jojit Lorenzo).

Napapanood na ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.

Sama-samang panoorin ang huling laban ni Tanggol sa huling tatlong linggo ng “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes ng 8 PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, iWant, at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.