← Back to Home
Vice Ganda, GIGIL sa pangalan na ibinigay sa kanya | It’s Showtime

Vice Ganda, GIGIL sa pangalan na ibinigay sa kanya | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 2/10/2026, 5:53:56 AM218 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Vice Ganda Name#Vice Ganda nickname#Vice Ganda Tutoy#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime Feburary 10 2026#

Kasintibay ng mga produktong sapatos nilang ipinagmamalaki ang fighting spirit ng mga masisipag na estudyante mula Marikina na nagtipon-tipon sa 'Laro Laro Pick' game arena.

Extra beautiful pa ang Tuesday sa “It’s Showtime” dahil kasali sa kulitan si Belle Mariano bilang guest co-host nina Vice Ganda, Anne Curtis, at Kim Chiu.

Na-curious ang mga pretty sa pangalan ni Changsu, pero bigo silang alamin ang 'history' at ibig sabihin nito. Hindi naman pwedeng itanong kay lola, na nagpangalan sa kanya. Hirit ni Vice Ganda, maging maingat naman daw ang mga magulang sa pagbibigay ng pangalan ng anak. Katulad niya, na para bang "masagwa" pakinggan ang pangalan (palayaw) niyang 'Tutoy' para sa isang "bakla."

At parang may nagliligawan sa game arena. Napansin ni Meme Vice ang tila ‘kilig’ sa pagitan nina players Makmak at Ruth. Ay, mukhang may hahabol pa sa Valentine’s Day!

Spread love, not hate, ‘ika nga! Eh, ang beauty ni Lassy, dapat pa bang mag-spread? Tinanong ni Meme si Belle kung payag siyang maging kamukha ni Lassy ang anak niya. Pabirong sagot ng aktres, “Parang hindi na lang ako mag-aanak.” Mukha namang nag-enjoy si Belle sa pakikipagkulitan sa ‘Showtime’ fam!

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, GIGIL sa pangalan na ibinigay sa kanya | It’s Showtime | Cheezmis