← Back to Home
Anne, gustong patakbuhin sa eleksyon si Vice Ganda | It’s Showtime

Anne, gustong patakbuhin sa eleksyon si Vice Ganda | It’s Showtime

Anne, gustong patakbuhin sa eleksyon si Vice Ganda | It’s Showtime

🕒 1/23/2026, 5:15:13 AM309 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimemANNEnoodKa#Laro Laro Pick#Vice Ganda#Anne Curtis#Jhong Hilario#Vhong Navarro#President#eleksyon

Attendance check muna tayo, Solid Showtimers! Present ang muse ng klase, ang nag-iisang Dyosa, Anne Curtis, na sobra nating na-miss. Isa lang ang ibig sabihin nito–may panibagong entry sa listahan ng ViceAnne Core moments!

Simula pa lang ng 'Laro Laro Pick' sa January 23 episode ng "It's Showtime," agad nagkulitan ang ‘mag-sisteret’. Binalikan nila ang POT question sa nakaraang episode na tungkol sa Philippine Constitution. Kaya biglang hiniritan ni Anne si Meme Vice, "Alam mo, dapat tumakbo ka. Iboboto kita."

Sagot naman ni Meme, "Alam mo, tama na! Kasi bata pa lang ako takbo na ako nang takbo... I am a beauty queen. I am not a politician." Pero kuwento ni Anne, kapag may nagtatanong daw sa kan'ya kung nakikita niya ang posibilidad ng pagpasok ni Meme sa politika, sinasabi niya na masyadong maganda ang ‘sisteret’ niya para magpaka-stress pa sa politika. 

Sumang-ayon si Vice sa sinabi ni Anne, "I am so beautiful and happy. Peace is surrounding me." Nilinaw rin ni Vice na talagang wala siyang balak na kumandidato sa kahit anong government position, "Nagbibiruan lang po kaming magkakapatid.”

Na-‘shookt’ naman si Meme nang mapansin na nagmukhang makapal daw ang blush niya dahil sa effortless look ni Anne, na parang walang makeup. Pabiro siyang nakipagpalit ng puwesto kay Jhong Hilario para iwasang makatabi si Anne sa harap ng camera. 

At hindi lang sina Vice at Anne ang maganda for today's video, dahil feeling pretty rin si Lassy, na may bagong suitor. Nang tanungin ni Meme kung anong pakiramdam ng nililigawan, sagot ni Lassy, "Nakakaganda," kaya nag-react si Meme, "Huh? Nagjo-joke ka na naman."

Ang sarap talaga ng kulitan, kasinsarap ng ipinagmamalaking pansit ng mga taga-Malabon, na sumalang sa 'Laro Laro Pick.'

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.