Mas PIÑASaya ang kulitan at kuwentuhan sa 'Laro Laro Pick' game arena kasama ang madlang players na taga-Las Piñas at dalawang espesyal na beautiful bisita, sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal, sa January 21 episode ng "It's Showtime."
First time ni Kris sa "It's Showtime" at ramdam ang excitement niya papasok pa lang ng game arena kung saan naghihintay sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario. Hindi naitago ni Kris ang pagka-starstruck nang makita si Meme Vice at makausap ito. "Hindi ko akalain na-meet na kita! Oh my gosh! Pinanood ko ‘yung ‘Call Me Mother.’ Congratulations sa Best Actor [Award], " sabi ni Kris, na hindi napigilang mag-fangirl habang nakatitig kay Vice.
Tila nanginginig pa nga ang mga kamay ni Kris sa sobrang excitement nang hawakan niya si Vice. "Totoo ka pala!" sabi ni Kris, na kinaaliwan naman ni Meme. "Ano ako? Aparisyon?" natatawang reaksyon ng Unkabogable Superstar. At bilang first-timer, itinodo rin ni Kris ang energy sa pagsigaw ng, “What’s up, Madlang People?!”
Natuwa naman si Vice dahil 'walang arte' at sobrang game sina Kris at Beauty sa paglalaro. Nagtanggal pa ng sapatos si Kris para makasayaw nang maayos paikot sa game arena during the 'Illuminate or Eliminate' round. At kahit nga maaga silang 'naligwak' sa unang game, na-enjoy naman nila ang experience.
Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.
