← Back to Home
Vice Ganda, nilabanan ang pick-up line ni Lassy kay nanay Cristy | It’s Showtime

Vice Ganda, nilabanan ang pick-up line ni Lassy kay nanay Cristy | It’s Showtime

Everybody is starting the year on a sweet note, parang sina Vice at Lassy na kinaaliwan dahil sa kanilang mga witty pickup lines.

🕒 1/20/2026, 7:25:06 AM248 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Vice Pick up line#Nanay Cristy Laro Laro Pick#MC Lassy Nanay Cristy#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime January 20 2026#

Isang matamis na FUNanghalian ang pinagsaluhan ng Madlang People at “It’s Showtime” family. Everybody is starting the year on a sweet note, parang sina MC Muah at Lassy Marquez na kinaaliwan bilang mga romantikong ‘manliligaw’ ng isang player sa ‘Laro Laro Pick.’

Sa January 20 episode ng “It’s Showtime,” it smelled like mabulaklak na swerte sa studio dahil sa pagdating ng mga madlang players from Dangwa na bumida sa game arena. Isa sa kanila Cristy. Anim na taon na siyang biyuda pero kahit mag-isa’y nabigyan niya ng magdang edukasyon ang mag anak, na siyang nagbibigay sa kanya ng pride at galak.

Tanong ni Vice Ganda, may puwang pa ba ang panibagong pag-ibig sa puso ni Cristy? Kung sina MC at Lassy ang kakatok, sino ang kanyang pagbubuksan? Idaan na lang sa pagalingan ng pick-up line ‘yan!

“Mapa ka ba? Kasi kaya kong libutin ang mundo, MAPAsaakin ka lang,” banat ni Lassy, na binara naman ni Vice Ganda, “Mapa ka ba? Kasi ‘pag tiningnan mo siya, MAPApangitan ka sa kanya.” Reaksyon ni Lassy, “Ang ganda no’n! Pero ang sakit!”

Syempre, hindi nagpatalo si MC, “Yelo ka ba? Kasi tuwing wala ka sa tabi ko, nilalamig ako, eh.” At ano naman ang back-to-you entry ni Meme? “MC, yelo ka ba? Kasi isang bloke ka, eh.” Haha!

Kaninong pick-up line ang pinaka-‘havey’, Madlang People?

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, nilabanan ang pick-up line ni Lassy kay nanay Cristy | It’s Showtime | Cheezmis