← Back to Home
Alo, ikinuwento ang naranasan niya noong kabataan | It’s Showtime

Alo, ikinuwento ang naranasan niya noong kabataan | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 1/12/2026, 5:15:13 AM284 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Alo Showtime#Alo Laro Laro Pick#It's Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#teddy#Jugs#Ion Perez#Amy Perez#Ogie Alcasid#Cianne Dominguez#Kim Chiu#Darren Espanto#Jackie Gonzaga#MC#Lassy#Showtime January 12 2026#Laro Laro Pick January 12 2026

Lahat ng challenges at masasayang games sa 'Laro Laro Pick' ay kayang-kaya nilang harapin. Dahil sila ay mga tubong Bulacan (hindi BulaCAN'T)! 

Sa January 12 episode, kinilala nina "It's Showtime" hosts Vhong Navarro, Jhong Hilario at Ogie Alcasid si player Malou a.k.a. Alo, ang housekeeping staff at zumba dancer ng Malolos, na nananatiling masayahin at positibo ang pananaw sa buhay sa kabila ng mapapait na pinagdaanan.

Kuwento ni Alo, lumaki silang magkakapatid na pinaghihigpitan ng ina. "Kinadena po 'yung paa ko," sabi niya nang tanungin tungkol sa hindi niya malilimutang karanasan sa buhay. Labimpitong taong gulang daw siya nang magtrabaho sa isang pabrika ng maleta. Naging parte siya ng isang unyon, pagkatapos ay naglayas dahil sa tampuhan sa loob ng kanilang pamilya. Nang siya'y matagpuan ng ina matapos ang isang buwang pagkawala, diumano'y kinadena siya nito para hindi na makapaglayas ulit at hindi makalahok sa mga "welga" ng sinalihang unyon. 

"Hindi dapat ginagawa 'yun," reaksyon ni Jhong. "Kasi nakaka-trauma 'yun, eh, especially 17 years old." Bilang mga ama, nagbahagi sina Jhong, Vhong at Ogie ng opinyon tungkol sa pagdidisiplina ng anak. Naniniwala sina Vhong at Ogie na dapat balanse ang pagiging istrikto at maluwag bilang magulang. Dagdag ni Jhong, mahalaga ang "open communication" sa pagitan ng magulang at anak. Pero paglilinaw ng tatlong hosts, hindi nila maaaring kondenahin ang ginawa ng ina ni Alo dahil baka may malalim itong dahilan. 

Nabanggit din ni Alo na lima sa kanilang pitong magkakapatid ay hindi nakapag-asawa, bagama't bukas pa rin ang puso niya sa posibilidad na mahanap si 'Mr. Right.'

Good vibes at pag-asa ang hatid ng “It’s Showtime,” Lunes hanggang Sabado, 12 NN, sa Kapamilya Channel, GMA 7, ALLTV, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) at iWant.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Alo, ikinuwento ang naranasan niya noong kabataan | It’s Showtime | Cheezmis