← Back to Home
Vice Ganda, SINUGOD ang mga writers ng It’s Showtime! | It’s Showtime

Vice Ganda, SINUGOD ang mga writers ng It’s Showtime! | It’s Showtime

Vice Ganda, SINUGOD ang mga writers ng It’s Showtime! | It’s Showtime

🕒 9/29/2025, 5:05:04 AM845 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeManaloPOTayo#Vice Ganda#Showtime writers#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Karylle#Ogie Alcasid#Amy Perez#Ryan Bang#Darren Espanto#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Ion Perez

Naglilista na ba ang lahat ng Christmas shopping list para sa mga friends na naging nice, not naughty, this year? O, 'yung listahan ng mga putaheng ihahanda sa Noche Buena, ready na ba?

Mag-vocalize na rin para sa carolling. Parang ang bisita natin this Monday, na si TNT The School Showdown Grand Champion Carmelle Collado, batak na batak ang vocal prowess anumang klase ng kantahan ang i-request. Kasisimula pa lang ng bagong linggo, energy ni Carmelle, agad-agad itinodo sa entablado. Intense concert sa FUNanghalian, dito lang sa “It’s Showtime” meron nyan!

Nagningning naman ang buong studio. Parang bumaba ang mga tala sa pagbisita ng binibining may magandang mukha. Bago pa man ang pagrampa niya sa Miss Universe stage, sa “It’s Showtime” muna nag-sample ng pasarela ang ating pambato, si Ahtisa Manalo.

Handa na sa pagdapo ng swerte ang mga players na sumabak sa Laro Laro Pick game arena. Last week ay halos sunod-sunod na nakuha ang Pot money. Magtuloy-tuloy kaya ang winning streak ng mga madlang players?

Ang susubok na sungkitin ang Pot money, mga trabahador sa carinderia. Naki-join din sina Ryan Bang, Ion Perez, Darren Espanto at Jackie Gonzaga para ilaban ang madlang people sa studio.

Oh, Carol! Specialty niya’y caldereta. Siya ang reyna ng kusina at carinderia. Masipag ang mommy nating biyuda na rumaraket pa ng pag-aalaga ng bata pagkatapos ng duty sa eatery. Doble kayod si Nanay Carol dahil anim na anak ang itinataguyod.

Ang kuwentuhan sa game arena, parang mga ganap do’n sa ‘house’ na ang daming nangyayari. ‘Di mo alam kung sinong magulo. Si Nanay ba na nagkukuwento, ‘yung mga hosts na ‘di maawat ang kulitan o mga cameramen na hirap mag-adjust ng pwesto. Ah, bistado! Si Meme, nabuko ang ‘ebidensya’ laban sa mga Showtime

writers. Biro niya, sila pala ang puno’t dulo ng kalituhan. Ganyan ‘yan! ‘Pag magkakaibigan nagtatakipan pero kapag ‘di masyadong ka-close, naglalaglagan!

Dito na nga tayo kay En-En, all-around helper sa carinderia, at may isang anak sa Ormoc na hindi na nakikita sa loob ng apat na taon. Maagang dumating ang Pasko para kay En-En. Dahil may sponsor na nangakong tutulong pauwiin ang mga kababayan natin na matagal nawalay sa pamilya. Libre na ang biyahe niya sa barko. At hindi lang ‘yan, dahil sina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Jhong Hilario ay mag-aambagan para sa P10,000 pocket money niya. At sagot din ni Meme ang fast food date nina En-En at anak niya. Payo ni Meme kay En-En, ipagpatuloy lang ang pangangarap at pagsisikap at paglaban nang patas. Oo, marami pa ring mabait sa mundo, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay may makakatulong na ibang tao. Dahil minsan ang tanging makakatulong sa atin ay ang ating sarili.

Aba, teka, international ang atake! Si Dao Ming Si ng F4, naki-play! Biro ni Meme, Dao Ming Si “haggard” version! Maya-maya pa’y napa-walling si Meme Vice sa sobrang sarap ng ala-ala ng mga luto ng kanyang Nanay. May pag-demo pa ‘yan siya kung paano sukatin ang sabaw ng sinaing gamit ang daliri.

Ang swerte, parang sinaing, hindi pwedeng hilaw at hindi pwedeng overcooked. Tamang-tama ang pagkakaluto ng swerte ng 12 players na nakapili ng green boxes sa “Illuminate or Eliminate.” Ang kategorya naman sa “It’s Giving” ay may kinalaman din sa pagluluto, "Magbigay ng mga halaman na pampaasim sa sinigang ayon sa binanggit na source na articles.” Lunes nang tayo’y magkantahan ng “Isang Linggong Pag-Ibig” sa “You Gotta Lyric” round. Sa “PILImination,” ang box na may pink stuffed toy ay napili ni Jona. Siya ang maglalaro sa final game.

Hinangaan ang tapang ni Jona sa Laro Laro Pick jackpot round matapos niyang tanggihan ang offer sa Li-Pot para piliin ang P150,000 Pot question na, "Ano ang ibig sabihin ng 'W' sa DPWH?"

Hindi man niya nakuha ang tamang sagot, panalo pa rin si Jona dahil sagot na ni Vice Ganda ang tuition fee ng anak niya sa loob ng isang taon. Bumilib si Meme sa sipag ng carinderia staff at ng kanyang mister na tricycle driver. Maliit man ang kinikita nilang dalawa, minsan ay halos zero pa nga, pero ginagalingan nilang mag-ipon para may pantustos sa pag-aaral ng dalawang anak.

Back-to-back-to-back ang biritan sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Dalawa man ang kalaban, hindi umatras sa kantahan si Twinkle Banzuela na forda flex ng kanyang versatility, singing “Royals” by Lorde, kahit nabilangan ni Punong Hurado Louie Ocampo. Komento ni hurado Ogie Alcasid, bumagay sa boses ni Twinkle ang kanta, pero tip niya ay mas linawan ang mga letra.

Hinamon niya ang dalawang defending champions. Unang humawak ng golden mikropono si Jade Aban na kakaibang flavor at nakalululang high notes ang binigay sa OPM classic na “Bakit Ako Mahihiya.” Good performance, sabi ni hurado Erik Santos, na dagdag payo ay maging straightforward sa pagbigkas ng mga lyrics.

Chill harana sa hapon naman ang hatid ni Christina Tandogon na kinanta ang “Tadhana” ng UP Dharma Down.” Dagdag na komento ni Maestro Louie, pare-parehong palaban ang tatlong mang-aawit.

Pero ang laban ni Christina ang magpapatuloy. Siya ang itinanghal na panalo sa araw na ‘to, with 92.7% total score from the hurados.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.