Iparinig ang boses, ‘pag pinagsama-sama ang iisang tinig, sigaw ng bayan ay maririnig. Pakiramdam man natin ay mahina ang isa, lalakas din 'pag pinagsama-sama. Huwag matakot, makikanta! I-enjoy ang Sabado with a concert-like kantahan dito sa "It's Showtime" kasama ang girl group na Calista, na may dalang good news para sa madla at kinanta ang single nilang "Oops My Bad."
Join na sa FUNanghalian na always masayang pinagsasaluhan ng "It's Showtime" pamilya. Huwag matakot, makilaro! Makisagot sa mga games sa Laro Laro Pick kung saan P100,000 ang naghihintay na POT money para sa madlang players.
Ngayong Sabado, ang mga bumida sa game arena ay mga estudyanteng kumukuha ng vocational courses. Para naman sa madlang studio audience, sina Teddy Corpuz, Ion Perez, Darren Espanto at Jugs Jugueta na ang bahala.
Naaliw si Vice Ganda sa pakikipag-usap kay player Dan, na kumukuha ng kursong Cookery. Dati siyang OFW na mahilig talagang magluto kaya kakaririn na niya ang paggawa ng mga putaheng swak sa iba't ibang panlasa.
Interesting naman ang kwento ni Cheng tungkol sa kurso niyang Animal Production. Pinag-aaralan niya ang tamang pag-aalaga ng mga manok para maging healthy at makapag-produce ng good quality na itlog. Si Cheng, komedyante ang atake, pero deep inside nalulungkot habang bitbit ang mga pagsubok sa buhay, na pinahirap pa ng korapsyon. Sa lugar nila, masakit isipin na na-immune na lang ang mga residente sa pagbaha. Pero hindi na pweede 'yung 'pwede na.' Kaya panawagan ni Cheng sa mga nakaupo sa matataas na posisyon, sana naman ay pakinggan ang mga nasa baba. At higit sa lahat, paalala ni Meme, sa susunod na halalan ay maging matalino na sa pagboto.
Ganyan din si Mikko, masayahin kung titingnan pero bitbit din ang sakit at lungkot na dulot ng kahirapan. Ang pamilya niya'y naninirahan sa isang isla, kaya't sa panahon ng bagyo na mahirap makatawid sa lupa, napipilitan siyang lumiban sa trabaho. Mataas ang pangarap ni Mikko para sa anak, na sisikapin niyang mapagtapos ng pag-aaral, "Kasi pipilitin ni Papa." Positibo pa rin ang pananaw niya na balang araw ay mabibigyan niya ng magandang bahay ang pamilya, 'yung may swimming pool at bunker, parang mga napapanood niya sa pelikula. Napangiti si Meme dahil napatunayan niya na ang mga Pilipino ay may mga pangarap at masisipag, sadyang paulit-ulit lang na ninanakawan. Sabi nga ni Mikko, "'Pag may baha, may buwaya." Sobrang witty, papasang komedyante! Si Mikko, sumabak sa isang acting challenge with Meme!
At heto pa, sina Meme at Cristy, nagkita sa game arena! Mabuti naman daw at seryosong usapan katulad ng flood control scam na ang pinagkakaabalahan ni Cristy, at hindi 'yung mga chismis tungkol sa celebrities.
Nagka-moment din si Annaeonni, na isang foreign language teacher. Tinanong lang naman siya ni Meme tungkol sa kanyang pangalan, pero biglang nakipagchikahan kay Ryan Bang. Eh, 'di para tayong nanood ng Koreanovela nang walang subtitle.
Game time! Ang ating mga vocational students, ready to shine sa Illuminate or Eliminate, pero siyempre, 12 players lang ang makakausad sa next round. Sa It’s Giving, ang category ay mga popular na uri ng silog ayon sa Pinoy chef na si Nora Reyes— tapsilog, longsilog, hotsilog, name it. Sa You Gotta Lyric, napa-throwback ang lahat sa kantang “Nandito Ako” ni Ogie Alcasid. At sa PILImination round, ang swerte ay pumanig kay Catriona, na nakapili ng unan na may buong hugis ng puso.
Laro Laro Pick jackpot time na para kay Catriona! Siya’y nag-aaral ng Cookery at kasabay nito’y nagtatrabaho bilang personal assistant ng kanyang best friend. Pero sa likod ng kanyang sigla, may dinaramdam na kirot bilang ina. Tatlong taon na niyang hindi nakikita ang mga anak, ang isa ay nasa poder ng ama nito sa Bicol. Para lang makapagtrabaho, tiniis niyang malayo sa mga anak. Kaya para tulungan si Catriona, willing daw si Vice Ganda na bigyan siya ng pamasahe. Biro ni Meme, utang muna pero may interest.
Pero kung makukuha niya ang Pot money na P100,000, sobra pa sa pamasahe ang kanyang mapapanalunan. Matapang si Catriona at hindi natukso sa P25,000 na alok sa Li-Pot, at hinarap ang Pot question na, “Anong bansa ang first runner-up ni Catriona Gray sa Miss Universe noong 2018?” Parang itinadhana sa kanya ang tanong dahil nga siya ang binansagang “Catriona” ng kanyang barkada. Pero sa gitna ng kaba,
nakalimutan niya ang tamang sagot na South Africa. Mali ang nabanggit niyang Singapore.
Hindi man naiuwi ni Catriona ang POT prize, nangako naman si Meme na tutulungan itong muling makasama ang mga anak.
Bumoses din ang mga mang-aawit na may mga pangarap na gustong makamit sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9.
Unang sumalang si Rhea Mae Calasara na inawit ang “I Just Fall in Love Again.” Para kay hurado Erik Santos, masarap pakinggan ang boses ni Rhea at dama ang pagiging storyteller, pero medyo nasobrahan sa pagka-relax kaya kailangan pang i-work on ang resonance. Sabi naman ni Punong Hurado Louie Ocampo, parang hinaharana lang ni Rhea Mae ang partner niya at hindi ang mga hurado. Anuman ang resulta, masaya ang lahat para kay Rhea, na going strong ang relasyon with her girlfriend.
Sumunod si Twinkle Banzuela, na kumanta ng classic OPM hit na “Sino Ang Baliw.” Kuwento niya, pinangalanan siyang Twinkle dahil parang lumiwanag ang buhay ng kanyang mga magulang nang siya’y dumating. Hindi naman nagpatalo si Ryan at ibinida na sa Korea, ang pangalan niya ay may meaning na "shining star." Speaking of names, nagulat ang lahat nang i-reveal na ang tunay na pangalan ni Jugs ay Eric! Biro ni Ion, matagal na silang magkaibigan pero ngayon lang niya nalaman. Samantala, ang pangalan pala ni Darren ay dapat “Alexander,” inspired by Alexander The Great, pero dahil marami nang Alexander, ginawa itong Darren.
Bagay na bagay nga kay Twinkle ang kanyang pangalan dahil nag-shine din siya sa entablado. Pero naging honest si hurado Ogie Alcasid. Maayos daw ang birit parts ni Twinkle, pero kailangan ding bigyan ng effort ang mga verses. Dagdag paliwanag ni Maestro Louie, nabilangan si Twinkle dahil hindi niya nakontrol ang mabababang nota sa simula, pero naka-recover naman sa dulo.
Nakakuha si Rhea Mae ng 89.3% score, habang si Twinkle naman ang tinanghal na panalo with 90.7%! Kaya balik-entablado ulit si Twinkle sa Lunes para harapin ang mga defending champions sa Tawag Ng Tanghalan Year 9.
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
