Sa panahon ngayon na mahigpit ang budget, doon muna tayo sa kaya ng bulsa. At sana may hangganan din ang pagbibigay, doon lang sa kaya ng puso, katawan at kaluluwa. Sa huli, hindi lang lakas ang sukatan, kundi kung paano natin pinapakita na kayang-kaya pa ring ngumiti sa laban.
Kayang-kaya mo rin na sumabay sa hatawan as girl group KAIA owns the "It's Showtime" stage with their fiery energy, lovely vocals and fierce choreography. Sa playlist natin today, “Walang Biruan," ang numero uno. Oo, totoo! Walang biro, seryoso, may pa-free mini-concert banda rito.
Sa Laro Laro Pick, present sa isang special class ang madlang estudyante players, mga kabataan na lumalaban para sa pangarap at kinabukasan bitbit ang inspirasyong galing sa pamilya’t sariling diskarte sa buhay. Kasama sa game arena ang hosts na sina Jackie Gonzaga, Ryan Bang, Ion Perez, at special guest co-host Shuvee Etrata na nag-represent ng madlang studio audience.
Bago ang laro, si Vhong Navarro ay may nahuli doon sa 'gedli'. Si Shuvee, pumupuslit ng tulog, pero palusot niya, napuwing lang daw siya.
Gising na gising naman si Ashly, na kumukuha ng Criminology, na pangarap para sa kanya ng ama. Kung sakaling makuha niya ang P600,000 POT money, pambayad daw ito sa tuition fee nila ng ate para goodbye "promissory." Kaya naman habang si nanay ay nagtitinda ng turon at banana cue, si Ashly, mas lalong inspirado para na rin makatulong sa gamutan ng na-stroke na ama.
Huwag malilito sa pangalan ni Xzy, isang masipag na Education student. Para may pambaon sa eskwela, nagbebenta siya ng mga anik-anik sa bangketa, at para kahit papaano ay makabawas sa gastusin ng magulang dahil nagpapagamot sa sakit na kanser ang kanyang ina. Saludo tayo sa mga kabataan na dumidiskarte para sa pangarap at magandang bukas katulad ni Xyz.
Nakilala rin natin si Kenneth, isang iskolar na may relatable story kung paano niya napili ang kursong Psychology. At dahil iskolar siya, syempre proud sa kanya ang buong pamilya. Pero mayroon siyang isang hiling kay tatay.
Game time! Sa Illuminate or Eliminate, dapat mapili ang green boxes para maka-survive at umabante sa next tests. Nasubok naman ang memory nila sa It's Giving, kung saan ang category ay mga pangalan ng mga chemical elements mula sa periodic table. Sa You Gotta Lyric, “Dahil Sa’yo” ni Inigo Pascual ang bida sa sing-along. Si Jackie at pitong estudyante ang pumasa sa kantahan, kaya si 'Ate Girl' biniro na teacher daw ng mga bagets ang datingan. Uy, aminin, sa beauty niya, papasa pa 'yan as kolehiyala.
Matindi ang excitement sa PILImination kung saan kanya-kanyang pili ng buzzer ang players. At ang nakapili ng kulay asul ay si Bismark mula sa University of the Philippines, kaya siya ang umabante sa final game.
Todo na ang laban ng iskolar ng bayan na si Bismark, Journalism student na nangangarap maging newscaster. Pero bago ang tanong, nag-sample muna siya ng reporting skill with Ogie Alcasid. Mukhang pasado rin siya bilang komedyante!
Para sa test niya today, hindi lang talino ang kailangan, kundi lakas ng loob at diskarte. A or B? Hindi pwedeng daanin na lang sa "eeny meeny" dahil ang pagpipilian, P600,000 sa POT o ang P25,000 offer sa Li-POT. Para kay Bismark, ito’y malaking fight, forda POT na, ayt!
Sa buong student life niya, siguro'y hinding-hindi niya makakalimutan ang tanong na, “Ano ang Top 1 most common password sa mga websites at apps sa buong mundo sa taong 2025?” Taking a wild guess, ang sagot niya ay "1234." So close! Ang tamang sagot ay “123456.”
Wala man siyang naiuwi mula sa Pot at Li-Pot, hindi naman siya umuwing luhaan dahil nangako si Jhong Hilario na mag-aambagan silang hosts para bigyan siya ng P10,000, dahil sa lakas ng loob na ipinakita.
Sa entablado ng "Tawag ng Tanghalan Year 9," hindi mauubos ang pagbuhos ng talent. Unang sumalang si Henniel Parena ng Pampanga, na inawit ang “Bruises” ni Lewis Capaldi. Sabi ni hurado Ogie, naramdaman niya ang "love lost" feels ng kanta, pero may moments daw na ang emosyon ni Henniel ay medyo napapasobra.
Batangas represent naman ang sigaw ni Kae Flor, na piniling kantahin ang “Through the Rain” ni Mariah Carey. Sabi ni hurado Nyoy Volante, kakaiba ang stylistic texture sa boses ni Kae.
At bukod sa kantahan, pinalakpakan din ang kabaitan ni Shuvee, na nangakong magdadagdag ng P10,000 sa premyo ni Laro Laro Pick player Bismark matapos itong mabokya sa POT.
Sa Kantapatan, sumalang si Henniel with “Train Wreck” by James Arthur laban sa defending champion na si Aljon Gutierrez na kumanta ng “The Promise” ni Martin Nievera.
Ayon kay Punong Hurado Louie Ocampo, may ilang notes si Henniel na hindi malinis pero mabilis naman siyang bumawi sa storytelling. Para naman kay Aljon, natuwa si Louie dahil siya mismo ang gumawa ng arrangement ng piyesa many years ago para kay Martin Nievera. Pero honest feedback niya, sana raw may personal twist ang performance at hindi lang halos katulad ng original version.
At matapos ang bakbakan, nagkaroon ng bagong kampeon sa tanghalan! Si Henniel ang wagi sa araw na 'to!
Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.
Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.
Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.
The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.
Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.
