← Back to Home
Lyn, tinanggap ang 35,000 pesos para makatulong sa kanyang ina | It’s Showtime

Lyn, tinanggap ang 35,000 pesos para makatulong sa kanyang ina | It’s Showtime

Lyn, tinanggap ang 35,000 pesos para makatulong sa kanyang ina | It’s Showtime

🕒 9/18/2025, 6:27:25 AM873 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimePOTchella#Laro Laro Pick#Li-Pot#Lyn#Bus Driver#Ogie Alcasid#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Darren Espanto#Ryang Bang#Karylle#Amy Perez#Bianca Umali#Jugs Jugueta#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez

Pasok mga suki, ano’ng hanap? Naghahanap ba ng inspirasyon, good vibes, o entertainment na swak? Kung saya at tawanan ang 'yong cravings, dito sa "It’s Showtime," hindi ka mabibitin.

Diretso tayo sa isang kakaibang tugtugan. Heto ang South Korea–Philippines collab na panalo sa kilig at talagang kaabang-abang. Sina Aubrey Caraan at Lee Daewon, nagtagpo sa entablado for their "Selfish Guy" duet na kikiliti sa puso mo. Kuwento nila, si Daewon mismo ang sumulat ng kanta. Dream come true for him na maka-collab ang isang Pinoy artist. And because of this collab, nakahanap siya ng bagong kaibigan, si Audrey pa nga ang Tagalog tutor niya.

Nagkatuwaan nang si Ryan Bang ang maging interpreter. Kung noon ay pinagdududahan ang sinasabi ni Ryan tungkol sa tunog ng manok sa Korea, ngayon, finally may isang Korean celebrity na nagpatunay na legit ang kanyang mga hirit.

Sa Laro Laro Pick, bida ang ating mga drivers na araw-araw nasa kalsada para sa pamilya. Sasakay kaya ang swerte sa kanilang biyahe? Kasama rin sa game arena ang hosts na sina Darren Espanto, Jackie Gonzaga, Ryan Bang, at Ion Perez na nag-represent ng madlang studio audience.

Sayawan muna para ma-attract ang positivity, tapos kilalanin na natin ang ilan sa mga players na may bitbit na inspiring stories.

Nakipagkuwentuhan ang hosts kay Edwin o mas kilala bilang Panoy dahil pinaglihi raw sa penoy. Fifteen years na siyang bus driver at ang pinakamahirap daw na kalaban niya ay antok sa magdamag na biyahe mula 4:30 am hanggang 11 ng gabi. Pero minsan naman sa sobrang sarap niyang magmaneho, nakakatulog ang mga pasahero, ayun, lumalampas sa destinasyon. Single dad siya sa pitong anak, tatlo pa ang kasalukuyang pinag-aaral, kaya kahit mahaba ang biyahe, hindi siya sumusuko para maibigay ang kanilang pangangailangan.

Bihira tayong makakita ng babaeng bus driver, pero si Lyn ang patunay ng lakas ng kababaihan. Kumuha siya ng short course sa driving bago pumasok sa ganitong larangan. Katulad ni Edwin ay tumatagal din ng 15 oras ang bawat biyahe niya. Perfect match sila ni mister na nagmamaneho naman ng 12-wheeler. Looking forward sila sa pagkakaroon ng supling, sa ngayon, ang pagsisikap ni Lyn ay para sa ina at asawa.

Nakilala rin natin si Danny, jeepney driver na 18 years nang bumibiyahe. May lima siyang anak at lahat ay nasusuportahan niya sa eskwela dahil sa sipag niya sa pamamasada. Ang isa nga ay nakapagtapos na, kaya’t hindi niya mapigil ang luha na dulot ng labis na saya, dahil ramdam niyang na-aappreciate siya ng kanyang mga anak na binabalik ang sakripisyo niya sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap sa pag-aaral.

Samantala, may update rin ang programa tungkol kay Grace, ang OFW na tinulungan nilang lumapit sa OWWA dahil sa mapait na sinapit sa ibang bansa.

Game time! Sa Illuminate or Eliminate, nag-sample pa si Darren ng performance dahil bihira siyang maka-survive sa first round. Pagdating sa It’s Giving, ang tanong ay tungkol sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kung saan ipinatutupad ang NCAP o No Contact Apprehension Policy ayon sa MMDA.

Apat lang ang natira at dumiretso sa You Gotta Lyric round. Lahat ay napa-sing along sa "Totoy Bibo" ni Vhong Navarro. Pero si Darren, napasabi na lang ng "sorry" dahil hindi niya kabisado ang mismong lyrics ng kanta ni Kuys Vhong.

Sa huli, umabot sa PILImination sina Lyn at Rogelio, at sa araw na 'to, ang swerte ay kay Lyn dumapo. Sa final game, siya ang maglalaro.

Sa Jackpot Round, si Ate Lyn ang umangat. Hindi lang siya bus driver kundi marunong din magmaneho ng trailer truck. Tulad ng naikuwento niya kanina, driver din ang kanyang asawa na minsan rin niyang naging kundoktor. Si Ate Lyn kilig na kilig na parang teenager nang mapag-usapan ang kanyang mister.

Life-changing na P600,000 ang nakataya sa Pot, pero hindi na nagdalawang-isip si Lyn na piliin ang siguradong P35,000 sa Li-Pot.

Good decision dahil sa tanong tungkol sa ilang minuto ang katumbas ng tatlo't kalahating oras, si Ate Lyn, na-mental block. Kaya’t safe pa rin siya sa kanyang pinili, panalo na at masaya ang ending ng kanyang pagsali.

Kung hanap n'yo ay kantahang tatagos sa dibdib, dito sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9, may mga boses na matatamis at maghahatid ng kilig.

Unang sumalang si Aljon Gutierrez na inawit ang “Dahil Mahal na Mahal Kita.” Mapanakit ang kanta pero ayon kay hurado Yeng Constantino, may halong kilig sa matamis na tinig ng binata.

Sumunod naman si Lourdes Enriquez mula Cebu na nagpakitang-gilas sa kantang “On My Own.” Ayon kay hurado Marco Sison, masyado pang bata ang boses ni Lourdes at mas mababa ang range para sa kanta. Pero nakabawi siya sa dulo dahil sa puso’t emosyon.

Sa Kantapatan, umabante si Aljon at inawit ang “Hanggang,” na ayon kay Ogie Alcasid, ay good song choice. Tunog recording ang pagkanta ni Aljon sa entablado, pero may room pa to improve pagdating sa tyempo.

Hinamon ni Aljon ang defending champion na si Bezaleel Trestiza, na fierce naman ang atake sa pagkanta ng “Girl on Fire.” Komento ni Ogie, medyo uneven ang performance ni Bezaleel for today's video, parang ang daming gustong gawin, mas okay sana kumanta na lang nang galing sa puso.

Kaya sa huli, napatalsik si Bezaleel sa trono. Si Aljon na ang bagong may hawak ng golden mikropono.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Lyn, tinanggap ang 35,000 pesos para makatulong sa kanyang ina | It’s Showtime | Cheezmis