← Back to Home
It’s Showtime | NOBODY’S PERFECT! Kim Chiu, na-playtime ng Showtime hosts!

It’s Showtime | NOBODY’S PERFECT! Kim Chiu, na-playtime ng Showtime hosts!

It’s Showtime | NOBODY’S PERFECT! Kim Chiu, na-playtime ng Showtime hosts!

🕒 9/15/2025, 4:40:59 AM827 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It's Showtime#Showtime#NaParaBangShowtime#Kim Chiu#nobody's perfect#Showtime hosts#playtime#Vhong Navarro#Jhong Hilario#Ryan Bang#Jugs Jugueta#teddy Corpuz#Karylle#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez#Lassy

What’s up, Madlang People! Ramdam na ang excitement dahil 101 days na lang, Christmas na ulit, kaya sabay-sabay tayong ngumiti at mag-enjoy kahit saglit. Chill lang muna, huwag masyadong ma-stress, enjoy the vibe and say "yes"!

Say yes sa matinding biritan nina Nowi Alpuerto at Jezza Quiogue na itinodo ang girl power, singing "Stone Cold." Pagkatapos ng kantahan, masayang chikahan with Nowi and Jezza na binalikan ang kanilang recent concert kasama ang iba pang "Tawag Ng Tanghalan" Resbakers.

Samantala, biglang nagpaliwanag si Kim Chiu. "No one is perfect," sabi niya matapos banggitin ang pangalan ng dalawang beautiful singers, na para bang patama sa mga bashers.

Sa Laro Laro Pick, bida ang ating mga breadwinners na araw-araw nagsusumikap para sa pamilya. Kasali rin sina Jugs Jugueta, Darren Espanto, Teddy Corpuz at Ion Perez representing the madlang studio audience, habang sina Karylle at Kim Chiu naman ang kakampi ng mga breadwinners—kung makapasok sila sa final game, may chance pang mailigtas ang isa sa mga natanggal na breadwinner players.

Good vibes ay never mape-phase out 'pag kasama si jeepney driver Jasper, na hyper na hyper nang makita ang mga idol niyang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Sa sobrang saya, napahataw pa with the Streetboys members. Bata pa lang, 16 years old, nang matuto siyang magmaneho ng jeep, habang ang tatay niya ay magsasaka ng mais at nag-uuling, at si nanay naman nag-aalaga ng kanyang mga kapatid. Ngayon, may sarili na ring pamilya si Jasper pero patuloy pa ring sinusuportahan ang mga kapatid at magulang, kaya may paalala si Meme Vice tungkol sa family planning.

Hahangaan mo rin ang katatagan ni Rei, breadwinner na, solo parent pa. Pero hindi siya nagpatalo sa hamon ng buhay dahil isa na siyang licensed midwife. Palagi niyang inuuna ang anak at mga kapatid kaysa sa sarili, kaya ikinatuwa ni Meme na naging bukas pa rin ang puso ni Rei sa bagong pag-ibig na nagsisilbing dagdag lakas at saya niya sa araw-araw.

Nagpakilala rin si Angelo, 24 years old, na naging sole provider ng pamilya matapos maaksidente si Tatay sa construction site at pumanaw naman si Nanay. Success story ni Angelo ang makapagpatapos ng isang kapatid sa kolehiyo. Hindi man niya na-enjoy ang kabataan dahil maagang nagtrabaho, masaya pa rin si Angelo basta’t ma-appreciate ng mga kapatid ang kanyang mga sakripisyo.

Heartwarming din ang kuwento ni Ondo, isang houseboy mula Davao na kasalukuyang stay-in sa mga amo sa Las Pinas. Sumusuweldo siya ng P8,000 kada buwan, na pinaghahati-hatian pa ng tatlo sa 14 niyang mga kapatid sa Davao.

Bumuhos ang luha ni Ondo, na ang hiling sa darating na Pasko ay makabisita sa pamilya sa Davao dahil halos 15 years nang hindi nakakauwi mula nang makipagsapalaran sa Maynila, kaya si Vice Ganda na ang bahala sa pamasahe niya at dagdag pang regalo dahil gusto ni Meme na masaya si Ondo sa darating na Pasko.

Game time! Sa “Illuminate or Eliminate,” 12 players lang ang makakakuha ng green boxes na magdadala sa kanila sa “It’s Giving” kung saan kailangan nilang magbigay ng mga pangalan ng official Disney princesses. Sumunod naman ang “You Gotta Lyric” round kung saan nag-sing along ang everyone to the tune of “Sumayaw, Sumunod.”

Sa huli, sina Angelo, Rei, at Kim ang umabot sa PILImination Round kung saan kanya-kanya silang pili ng mini volcano. Ang mini volcano na naglabas ng orange lava ay napunta kay Rei, ang breadwinner solo parent, kaya siya ang pinalad na maglaro sa final game!

Dahil patong-patong ang responsibiliad, doble rin ang pagkayod ni Rei, kaya valid lang 'yung galit niya 'pag naiisip ang dagdag na pasakit na dala ng TAX. Heto ang mga ordinaryong Pilipino, lumalaban nang patas kaya sana naman may makuhang magandang kapalit, 'yung sana man lang ay maramdaman na may maayos na pinatutunguhan ang binabayarang buwis. Opinyon nga ni Vice Ganda, kung puwede sana kahit pansamantala ay itigil muna ang pagbabayad ng tax.

Pero sa ngayon, tayo-tayo na lang muna ang magtutulungan. At bilang tulong kay Rei, inalok siya ng P60k sa Li-Pot, na tinanggap niya kapalit ng P600k Pot money sa jackpot round.

No'ng una'y sinubukan pa siyang kumbinsihin ng Madlang People at ni Meme na piliin ang POT question dahil baka sakaling umayon sa kanya ang tadhana. Halos buong studio ay POT ang gusto. Nagpalipat-lipat si Rei sa pagitan Pot at Li-Pot, pero sa huli ay umiral ang pusong breadwinner, at pinili ang siguradong pera na maiuuwi sa pamilya.

Laking panghihinayang ni Rei nang basahin ni Vice ang tanong, "Ano ang popular full name ng artistang gumanap bilang Josie na nagtrabaho bilang domestic worker sa Hong Kong upang makapagdala ng pera at matustusan ang pangangailangan ng mga anak niya na ginampanan nina Baron Geisler at Claudine Barretto sa pelikulang "Anak’." At ang sagot ni Rei ay Vilma Santos. Tama!

May panghihinayang man, pero siguradong may maiuuwing biyaya si Rei para sa pamilya.

Abangan ang next batch of players na sasalang sa game arena. Bukas, Tuesday, makuha na kaya ang POT money na P600k?

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
It’s Showtime | NOBODY’S PERFECT! Kim Chiu, na-playtime ng Showtime hosts! | Cheezmis