← Back to Home
Vice Ganda, humingi ng paumanhin dahil sa maling tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Vice Ganda, humingi ng paumanhin dahil sa maling tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

Vice Ganda, humingi ng paumanhin dahil sa maling tanong sa Laro Laro Pick | It’s Showtime

🕒 9/13/2025, 6:23:43 AM1044 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimeTYLSabadoNa#Laro Laro Pick#Vice Ganda#paumanhin#maling tanong#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Pot#Li-Pot#jackpot question#jackpot round

What's up, Madlang People, na gustong umangat sa buhay?! Kaunting tiyaga pa, malalasap rin ang tagumpay. Pagkatapos ng kayod mula Monday hanggang Friday, this Saturday is the perfect time to breathe, smile, at mag-relax. 

At para mas kumpleto ang weekend vibes, Freestyle brought us straight back to the ‘90s with their classic hit “Before I Let You Go” live on stage. Nabitin ang Madlang People kaya napasigaw ng "more"! Sabi ni Karylle, para bang bumalik ka sa alaala ng ni-let go mong first love. Ouch! 

Kayo naman, madlang people—ano ang mga bagay na handa n’yo nang i-let go bago matapos ang 2025?

Pakawalan na ang bad vibes at palitan ng positive mindset para jackpot sa "Laro Laro Pick" ay ma-get. Kahapon ay usap-usapan sa social media ang Li-Pot offer na P40,000, at may nagtatanong kung bakit tila maliit daw ang halaga. With sincerity and humility, ipinaliwanag ni Vice Ganda na para sa isang programang tulad ng “It’s Showtime,” malaking halaga na ang P40,000 at malaking tulong na ang ganitong halaga para sa mga ordinaryong manggagawang Pilipino. 

Ngayong Sabado, pinalakpakan ng madlang people ang players of the day—mga water delivery boy, magtataho, dishwashers, pahinante ng truck, at mga nagtitinda ng basahan—kasama ang hosts na sina Karylle, Teddy Corpuz, Darren Espanto, at Kim Chiu na naglaro para sa madlang people sa studio.

Hindi kasali sa game pero may special kasama si Vice Ganda, ang bago niyang bag na bininyagan pa ng pangalan. Katulad ng bag ni Meme, agaw-pansin ang malaking hair ribbon ni Marites, ang masayahing tindera ng basahan. Dalaga pa si Marites pero ang pagkayod niya ay para sa mga magulang at kapatid, lalo na’t may kapatid siyang na-stroke kamakailan. Lucky charm kaya ang ribbon na ‘yan?

Kinausap din nina Meme si Jose. Mabigat na nga ang pasan-pasan na paninda sa araw-araw, tapos minsan ay nananakawan pa habang naglalako ng taho. Kasama rin ang kapwa niya taho vendor na si Reynante, na napasok sa hanapbuhay na ito dahil sa kanyang mga bayaw na pawang magtataho rin. 

Sinubukan pang buhatin nina Vice Ganda at Vhong Navarro ang timba ng taho at napatunayan nilang ang bigat nito ay 'di biro, kaya saludo sa araw-araw na pagbabanat ng buto nina Reynante at Jose at iba pang taho vendors. 

Nakilala rin natin si Rey, dishwasher sa isang maliit na karinderya na nangangarap maging mas magaan ang buhay nilang mag-asawa. Kasali rin si Tatay Ipe, basahan vendor na hanggang ngayon ay nangungulila sa asawang namayapa noong 2013. Dahil sa gastusin no'ng nagkasakit ang asawa ay naibenta ang kanilang bahay pero patuloy siyang nagsisikap na makapagpundar muli. Sabi nga ni Meme, kahit isang araw lang, deserve ni Tatay Ipe na makasama at maka-bonding ang buong pamilya niya, kaya siya na ang bahala sa mini-vacation nila. At dahil sa hirap ng buhay, may paalala si Vice Ganda sa mga kabataan na gustong bumuo ng pamilya.

Present din sa game arena si Bunso, ang water delivery boy na P10,000 ang pinakamalaking pera na nahawakan sa buong buhay niya. Ito na kaya ang araw na makakahawak siya ng higit kalahating milyon?

Game time na! Sa Illuminate or Eliminate, 12 lucky players lang ang nakakuha ng green boxes at umabante sa It's Giving, kung saan ang 12 players ay isa-isang nagbigay ng mga larong Pinoy na pwedeng ituro sa mga bata ayon sa Asianparent.com. Sa You Gotta Lyric, lahat ay napa-sing along sa ultimate hugot classic na “Tuloy Pa Rin” ng Neocolours.

At sa PILImination Round, sina Bunso, Kath, Teddy, at Karylle ang natira. Isa lang ang makakapili ng powder spray na kulay pink ang ibubuga at siya ang makakapasok sa final game. Pero nagkaroon ng kaunting aberya nang mag-malfunction ang powder spray na napili ni Teddy, kaya humingi ng paumanhin si Vice Ganda. At para maging fair ang laban, inulit ang PILImination round. 

Sa panibagong round ng PILImination, kailangan mag-pick ng light stick, at ang pinakamahaba ay napunta kay Kath kaya sya ang maglalaro sa final game. Bumuhos ang emosyon ni Kath dahil nasa ospital ang lola at pangarap talagang makita in person ang favorite celebrity niyang si Vice Ganda. 

Si Kath ay dishwasher sa isang public school. Sa paghuhugas ng plato ay P6,000 ang kinikita niya kada buwan. Higit na mas malaki ang offer sa Li-Pot na P50,000 at mas lalo na ang pwede niyang makuha sa Pot na P600,000. Pero doon na siya sa sigurado, ang P50,000 na malaking tulong sa lola niyang nasa ospital. Kaya Li-Pot na ang pinili niya.

Samantala, binasa ni Vice Ganda ang POT question na, "Ano ang alyas o pen name ni Gregorio Del Pilar na hango sa mga binalasang letra ng kanyang apelyido?" Agad humingi ng paumanhin si Vice Ganda nang mapansin ang pagkakamali sa binasang tanong. Dahil ang may pen name mula sa binalasang letra ng apelyidong 'Del Pilar'–Plaridel–ay si Marcelo Del Pilar at hindi si Gregorio Del Pilar. 

Naisip ni Vice Ganda na kung nag-Pot si Kath ay magiging unfair ang mali at nakakalitong tanong. Kaya para makabawi ay ginawa niyang P100,000 ang premyo ni Kath.

Hindi napigil ang pagbuhos ng saya ngayong Sabado sa "It's Showtime." Abangan naman ang pagpapatuloy ng sagupaan ng mga tinig sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9. Sino nga ba ang susunod na makakapasok sa mga koponan? 

Love is in the air naman sa special  pa-shoutout ni Vice Ganda sa asawang si Ion Perez. Pati si Ogie Alcasid ay may pa-"I miss you" rin kay Regine Velasquez. Biro tuloy ni Darren Espanto, may nami-miss din ba si Kim Chiu? Natameme ang Chinita Princess sa narinig na tanong. Ano sa tingin n'yo ang sagot, Madlang People?


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

Stream All the Feels Only on iWant. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.