← Back to Home
GROUP HUG! Showtime Online U Squad, nag-celebrate ng 9th anniversary! | It’s Showtime

GROUP HUG! Showtime Online U Squad, nag-celebrate ng 9th anniversary! | It’s Showtime

Fun and entertainment like no other for the Madlang People on It’s Showtime

🕒 8/27/2025, 4:28:09 AM722 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Showtime Online U#Showtime Online U hosts#Showtime Online U anniversary#Showtime Online U 9th anniversary#AC Soriano#Anne Tenorio#Anthony Castillo#Eris Aragoza#Jannah Alanise Chua#Nicki Morena#JM Dela Cerna#Lorraine Galvez#Mackie Empuerto#Marielle Montellano#Sheena Belarmino#Wize Estabillo#Zeah Nestle Pala#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez

Malakas ang palakpakan dahil ngayong araw, tayo ay magdiriwang! Nagbunyi ang online universe at buong "It's Showtime" family because "Showtime Online U" is celebrating its 9th anniversary.

To mark this special day, ang mga SOU hosts nagpasabog sa isang concert-like prod. Present sina Wize Estabillo at Eris Aragoza na nagsimula bilang “BidaMan” heartthrobs, Jannah Chua na galing sa “EXpecially For You,” at siyempre ang Sexy Babe 2025 na si Zeah Pala.

Level-up din with TNT powerhouses Lorraine Galvez at Anthony Castillo, plus OG “TNT Kids” turned rising OPM stars Sheena Belarmino at Mackie Empuerto. At hindi rin magpapahuli ang beshies nating sina AC Soriano at Anne Tenorio.

At kung may anniversary, may birthday bash din! Happy Birthday, Ogie Alcasid. Hihintayin namin ang pagbabalik mo mula sa mga concerts mo abroad. Pero mahirap talaga 'pag absent ka dahil wala kang laban sa asaran. Tito Ogs, may banat si Amy Perez, na tawang-tawa dahil mas una ka raw magiging senior citizen kaysa sa kanya.

Kasabay ng anibersaryo ng "Showtime Online U," umapaw ang saya at energy sa studio. Sa "Laro Laro Pick," bumida ang players mula sa iba’t ibang hanapbuhay, mga matadero, accountants, manikurista, at barista—lahat palaban para magtagumpay. Kasama rin sina Teddy Corpuz at Ryan Bang pati na sina "Showtime Online U" hosts AC Soriano at Jannah Chua to represent the madlang studio audience.

Una nating nakilala si Lotlot, isang matadera ng higit dalawampung taon. Para sa pamilya’t pag-aaral ng mga anak, to win is her ambition. Sana lang ay maging win-win ang kanyang kapalaran at hindi 'lot-lot.'

Maganda rin ang awra ni Paula, isang manikurista na guilty sa pag-'murder' ng kuko. Samantala, nabalot ng lungkot ang studio nang ibahagi ni Grace ang malupit na karanasan sa mga kamay ng kanyang naging amo sa ibang banda. Ngayong nakabangon, dala niya’y tapang at pag-asa, sana’y magbunga ang laban at mga sakripisyo niya.

Sa "Illuminate o Eliminate" round, green light ang dapat mahanap para mapabilang sa 12 players na aabante sa "It’s Giving," kung saan nasubok ang kanilang bilis, parang quiz, sa tanong na, "Magbigay ng lalawigan o probinsya na matatagpuan sa Luzon."

Sa “You Gotta Lyric, “Kapag Tumibok ang Puso” ni Donna Cruz ang inawit. Buhay pa sana ang pag-asa ng Madlang People, thanks to Teddy and Ryan. 'Yun nga lang, si Ryan ay natulala sa kalagitnaan ng kanta at ang nasabi lang niya, "Sharam-dara."

Sa "PILImination Round," kanya-kanyang pili ng payong. Isa sa mga ito may gold confetti, perfect sa mood ng feeling lucky na si Jomar, ang matador na umabante sa Jackpot Round.

Apat ang anak ni Jomar kaya todo kayod sa buhay. Ito na kaya ang swerte na matagal na niyang hinihintay? Dalawa ang pagpipilian: ang "Pot" na naglalaman ng 250,000 pesos at ang "Li-Pot" kung saan ang offer ay umabot ng 30, 000 pesos.

Matapos mag-isip, pinili ni Jomar ang "Li-Pot." Wala namang masama sa pagiging kuntento. Kung para sa pamilya, mas okay na 'yung sigurado. Pero kung sinubukan niyang tumaya sa "Pot," ang tanong ay: “Anong numero ang nawawala sa series na ito: 2, 4, 8, 16, __, 64?” Kayo, Madlang People, masasagot n'yo ba ito?

Party vibes hanggang "Tawag Ng Tanghalan year 9." Kanino mapupunta ang golden mikroponong pinag-aagawan?

Unang nagbigay-kulay sa entablado si Martha Floresta sa kanyang awit na “Sa Susunod na Habang Buhay.” Ayon kay hurado Jed Madela, soft pero solid ang tinig ni Martha. May kaunting samid na nahalata ang hurado , ngunit para sa mga casual listeners ay halos hindi na ito obvious dahil mahusay niya itong na-handle.

Kasunod naman si Jeffrey Basilio na nagbigay ng kanyang bersyon ng “Kahit Isang Saglit.” Ayon kay Nyoy Volante, hindi man perpekto ang bawat nota, damang-dama naman ang emosyon at puso sa kanyang pagkanta.

Sa KanTapatan Round, muling ipinamalas ni Jeffrey ang kanyang husay sa pamamagitan ng “My Love Will See You Through.” Ayon kay Punong Hurado Louie, siguradong magiging proud ang OG singer na si Marco Sison sa kanyang bersyon.

Hindi naman nagpatinag ang defending champion na si Niña Osorno, na buong tapang na kinanta ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” ni Lani Misalucha. Pinuri siya ni Maestro Louie dahil sa kanyang calculated moves sa pag-awit.

Sa huli, kahit parehong standout ang performances, mas nangibabaw pa rin ang champion spirit ni Niña. Naipanalo niyang muli ang round at matagumpay na nadepensahan ang kanyang titulo bilang kampeon ng entablado.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.