← Back to Home
Darren, NABIGO na naman na makalusot sa round 1 ng Laro Laro Pick | It’s Showtime

Darren, NABIGO na naman na makalusot sa round 1 ng Laro Laro Pick | It’s Showtime

Kung ang mga bayani noon ay may tabak at panulat, dito sa " It’s Showtime " ang sandata ay halakhak. Sa Araw ng mga Bayani, saludo tayo sa tapang at dangal ng mga Filipino heroes noon at mga makabagong bayani ngayon.

🕒 8/25/2025, 5:20:07 AM582 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#Darren Laro Laro Pick#Darren Laro Laro Pick Showtime#Darren Espanto Showtime#Darren Showtime Laro Laro Pick#Its Showtime#Showtime#Vice Ganda#Vhong Navarro#Anne Curtis#Jhong Hilario#Kim Chiu#Ogie Alcasid#Karylle#Darren Espanto#Amy Perez#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Jackie Gonzaga#Cianne Dominguez#

Kung ang mga bayani noon ay may tabak at panulat, dito sa "It’s Showtime" ang sandata ay halakhak. Sa Araw ng mga Bayani, saludo tayo sa tapang at dangal ng mga Filipino heroes noon at mga makabagong bayani ngayon.

Buong tapang din na lumaban sa kantahan ang TNT Grand Resbakers na sina Ayegee Paredes at Makki Lucino sa kanilang 'bakulawan' rendition ng “And I Am Telling You." Nagpasalamat din ang dalawa sa lahat ng sumuporta sa successful concert nila kasama ang iba pang mga Grand Resbakers.

Kung ang mga bayani noon ay lumaban para sa bayan. Ngayon, modern heroes naman ang lalaban para sa pagkakataong manalo ng 150, 000 pesos sa "Laro Laro Pick."

Let's all cheer for our players na mga street vendors, real estate agents, factory workers at traffic enforcers. Naki-join din ang "It's Showtime" hosts na sina Ryan Bang, Jugs Jugueta, Ion Perez, Darren Espanto representing the Madlang People sa studio.

Agaw-atensyon ang awra ni player Marie, na ang hanapbuhay ay paggawa ng atsara. Nakilala rin natin sa enforcer Jay-Ar, na excited na maging daddy dahil malapit nang manganak si wifey. Silang lahat sumabak sa laro, dala ang tapang at good energy.

Sa "Illuminate o Eliminate," 12 players lang ang nakalampas. Naku, si Darren, hindi pa rin umusad sa pagiging 'malas.' Since day one, never pa niyang naransan ang umabante kahit hanggang Round 2 man lang. Sorry, Darren, you have just evicted from Laro Laro Pick. Paalam muna sandali.

Sa "It's Giving" naman, ang tanong, “Magbigay ng buong pangalan ng mga babaeng senador ng Pilipinas mula 1947 hanggang kasalukuyan.” Pagdating sa "You Gotta Lyric," "Magasin" ng Eraserheads ang kinanta. Parang concert ang nangyari sa studio, mabuti na lang na-experience ni Darren ang maki-sing-along kaya happy na siya kahit natalo.

Sa "PILImination," lima na lang ang natira— sina Mhacky at Chay, at pati na rin ang hosts na sina Ryan, Jugs, at Ion. Lahat pumili ng tig-isang box na may lamang emoji. Isa lang ang may smiley, at ang makakakuha nito, sa jackpot round aabante. Kabado ang lahat nang sabay-sabay nilang buksan ang ang mga kahon at swerte ay hinamon. Si traffic enforcer Mhacky ang nakakuha ng lucky emoji.

Sa Jackpot Round, balik sa 100,000 pesos ang nasa POT o kaya’y pwedeng kunin ang LI-POT. Si Mhacky, nagdesisyon nang may tapang pero praktikal pa rin—pinili ang

"Li-Pot" at tinanggap ang 25,000 pesos na malaking bagay na rin para sa mga bayarin, at kung pagtatrabahuan ay isang buwan din ang gugulin.

Kung sumugal siya sa POT, ang tanong sana ay kung ano ang national martial arts at sport ng Pilipinas. Tama nga ang naging desisyon ni Mhacky kaya siya'y uuwing nakangiti.

Boses naman ang sandata ng mga mandirigma ng musika na lumaban sa "Tawag Ng Tanghalan" Year 9.

Nagbabalik sa entablado ang humamon na si Lycelle Griño para kantahin ang “Hanggang Kailan” ni Angeline Quinto. Ramdam ang kaba sa boses niya, sabi ni hurado Jed Madela, pero hindi pa rin matatawaran ang sweetness at power nito. Dagdag pa ni Punong Hurado Louie Ocampo, crystal clear ang boses ni Lyclle at very good ang performance niya, maliban lang sa isang nota sa chorus na bahagyang nawala sa harmony.

Samantala, dinepensahan ni Jeff Decano ang kanyang trono, sining "Overjoyed." Ayon kay hurado Dingdong Avanzado, swak nman ang song choice sa boses ni Jeff at naipakita nito ang husay at kontrol niya sa pagkanta.

Sa dulo ng laban, lumabas ang hatol ng mga hurado, at sa score na 95%, muling nagwagi si Jeff Decano.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Darren, NABIGO na naman na makalusot sa round 1 ng Laro Laro Pick | It’s Showtime | Cheezmis