← Back to Home
Vice Ganda, nagkwento tungkol sa BASHING na natanggap niya | It’s Showtime

Vice Ganda, nagkwento tungkol sa BASHING na natanggap niya | It’s Showtime

Kung red ay for love at blue ay for chill, dito sa “It’s Showtime,” good vibes is real

🕒 8/23/2025, 5:04:24 AM583 wordsEN

Liezel Dela Cruz

#It’s Showtime#Showtime#ShowtimePOTmalakasan#Laro Laro Pick#Vice Ganda#bashing#And The Breadwinner Is#FAMAS#Best Actor#Vhong Navarro#Amy Perez#Darren Espanto#MC Muah#Lassy#Teddy Corpuz#Jugs Jugueta#Cianne Dominguez#Jackie Gonzaga#Ion Perez#

Kung red ay for love at blue ay for chill, dito sa “It’s Showtime,” good vibes is real. Yellow ay saya at green ay ligaya, kaya join na sa tawanan at kanta! "Kahel Na Langit" ang ipininta ni Maki sa kanyang bagong hit. Ibinahagi rin niya ang kuwento sa likod ng awit at naghatid ng good news sa kanyang mga tagapakinig.

Big winner si Vice Ganda sa 73rd FAMAS. Siya ang Best Actor para sa pelikulang "And The Breadwinner Is" na tunay na world-class. Buong puso siyang nagpasalamat para sa tropeong ito, which he dedicates to his partner Ion Perez at sa queer community. Ang breadwinner na si Bambi, tunay na wagi. This calls for a celebration of pride and victory. Meme Vice, proud sa'yo ang buong Showtime family.

Ngayong araw, mas matingkad ang saya at swerte sa "Laro Laro Pick" kasama ang 24 players na binubuo ng masisipag na streetsweepers, talented impersonators, estudyante, at mga seafarer. Madlang People represent naman ang sigaw nina Showtime hosts Ryan Bang, Teddy Corpuz, Darren Espanto, at Ion Perez.

Nagmistulang rainbow ang entalado sa pagdating ng mga makukulay na personalidad tulad nina Michael V, Park Bom ng 2NE1, Lady Gaga, at Nicki Minaj. Pero huwag masyadong magulat, impersonators lang silang lahat! Hindi rin nagpahuli ang hardworking streetsweepers na sina Cora at Jennifer, at ang estudyanteng si Janjan na agad napansin nina Vice Ganda.

Pagdating sa “It’s Giving” round, ang challenge ay magbigay ng mga pangalan ng mga eskwelahan na kabilang sa UAAP at NCAA. Dito, walong players ang nakatagal at umusad sa susunod na round. Sa “You Gotta Lyric,” sabay-sabay nilang kinanta ang “Quit Playing Games with My Heart” ng Backstreet Boys, with Jarren Garcia leading the vocals.

Sa huli, dumating ang "PILImination" round kung saan ang pitong natira ay pumili ng tig-isang cake. Isang cake lamang ang may nakatagong “It’s Showtime” logo, at ang nakapili nito ay ang estudyanteng si Janjan, na siyang umabante sa jackpot round.

Ano ang kulay ng matatapang? 'Yan ang kulay ni Janjan, isang Psychology student mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa. Tinanggihan niya ang 40,000 pesos na offer sa "Li-Pot" at sa halip ay pinili ang 250,000 peso-question sa "Pot." Ang tanong: “Sa solar system, ano ang ikalimang planeta mula sa araw?”

Sa loob ng limang segundo, sumagot si Janjan ng "Jupiter." Ay, winner! Kuminang na parang ginto ang "Pot" na naglalaman ng 250,000 pesos na iuuwi ni Janjan! Congratulations, Janjan! Sa natanggap na papremyo, siguradong mapapalago nito ang buhay ng masipag na estudyante at ng kanyang mga magulang na seller at driver.

Kung singing ay may shade at tono ay may hue, dito sa “Tawag Ng Tanghalan,” makulay ang bawat awitin na maririnig mo. From fiery red notes to mellow blues, sarap sa ears ng performances.

Unang bumida si rider JP Valdez na hinarana ang Madang People with the romantic OPM classic "When Met You." Komento ni hurado Marco Sison, lalaking-lalaki ang boses ni JP at bumagay sa kanya ang kanta.

Sumunod naman si Lycelle Griño na humugot ng malalim na emosyon sa kantang "At Ang Hirap." Para kay hurado Erik Santos, maganda ang quality at range ng boses ni Lycelle pero pinaalalahanan niya ito na mag-ingat sa low at high notes.

And to seal the deal, sabi ni Punong Hurado Louie Ocampo, both did well, pero dahil kompetisyon ito, mas kailangan nilang mag-shine at ilabas ang best performances.

Si Lycelle ang panalo sa round na ito. Siya ang aabante sa KanTapatan sa Lunes para harapin ang defending champion.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Vice Ganda, nagkwento tungkol sa BASHING na natanggap niya | It’s Showtime | Cheezmis