← Back to Home
Donny at Kyle, bibida sa bagong serye ng ABS-CBN na “Roja”

Donny at Kyle, bibida sa bagong serye ng ABS-CBN na “Roja”

Magsasama sa isang ABS-CBN teleserye sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri para sa “Roja.”

🕒 8/15/2025, 6:26:50 PM145 wordsEN

ABS-CBN Studios

#Roja#Donny Pangilinan#Kyle Echarri#Maymay Entrata#Raymond Bagatsing#Joel Torre#Janice De Belen#Lorna Tolentino

Magsasama sa isang ABS-CBN teleserye ang dalawang sikat na heartthrobs na sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri para sa “Roja,” na mapapanood ngayong taon tampok ang bigating cast.

Parehong beteranong mga aktor at ilang mga inaabangan na young stars ang makakasama nina Donny at Kyle sa serye katulad nina Maymay Entrata, Raymond Bagatsing, Joel Torre, Janice De Belen, at Lorna Tolentino.

Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment, inanunsyo ang “Roja” sa pamamagitan ng nakaka-intrigang video teaser sa social media kung saan tila magche-check in sa isang engrandeng resort, ang La Playa Roja, ang bawat cast member matapos ilatag ang kani-kanilang mga maleta.

Ang “Roja” ang nagsisilbing pagbabalik sa primetime serye nina Donny at Kyle pagkatapos ng kani-kanilang serye na “How to Spot a Red Flag” at “Pamilya Sagrado.”

Abangan ang iba pang mga detalye at kung sino ang iba pang mga cast member ng “Roja.”

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.