← Back to Home
Chuchay, hindi napigilan ang luha sa usaping magulang | It’s Showtime

Chuchay, hindi napigilan ang luha sa usaping magulang | It’s Showtime

Chuchay, hindi napigilan ang luha sa usaping magulang | It’s Showtime

🕒 8/14/2025, 6:08:02 AM821 wordsEN

ABS-CBN Studios

#It's Showtime#Showtime#ShowtimeMuseKoDay#Breaking Muse#Muse Chuchay#Jhong Hilario#Vhong Navarro#Anne Curtis#Kai Montinola#Ogie Alcasid#Jugs Jugueta#Teddy Corpuz#Ion Perez#Darren Espanto#Maymay Entrata#Cianne Dominguez#Vice Ganda#Jackie Gonzaga#Karylle#Kim Chiu#Amy Perez#Ryan Bang#MC#Lassy#Argus#Imogen#Jaze#Kulot#Lucas#Madlang People#Escort Mo Show Mo#MASAsagot Mo Ba

Parang bulaklak na namumukadkad, bawat muse ay may kwentong ilalahad kasabay ng pagbibida sa kanilang kanilang talento at puso sa “It’s Showtime” entablado.

Pero bago masilayan ang mala-rosas na kagandahan ng mga "Breaking Muse" contestants, let's make the day brighter and the mood even lighter sa trivia game na hindi kailangan maging cum laude, basta lang street smart at mabilis pumara, premyo ay makukuha.

Sa "MASAsagot Mo Ba," blooming ang mommies ng Team Momshells na sina Andrea del Rosario, Aubrey Miles at Regine Tolentino. Sila ang mga reyna ng sayawan at tahanan but this time magrereyna-reynahan muna sila sa tanungan.

Huwag lang pasisindak sa mga haligi ng action. Sa harap ng camera sila ay kinatatakutan. ‘Pag sila’y lumabas na, biay ay siguradong mangangatal pero hindi naman sila suplado sa personal. Sila ang mga minamahal nating kontrabidas ng pelikula–Dindo Arroyo, Rez Cortez at Bembol Roco.

Sabi naman sa inyo, cool gentlemen ang mga ‘yan! Kumasa pa sa kakaibang acting challenge na makipagpalitan ng linyahan sa mga sexy momshells. Kaya sina Rez, Dindo, at Roco, napatanong ng “oil o lotion?” at napasabi ng “sayawan mo ako” in a sexy tono!

Sa pasabog na talent ng mga binibining magaganda, siguradong kikislap ang ‘yong mga mata. Day 1 na ng “The Fiestacular Finals” ng “Breaking Muse.” Simulan natin sa pasiklaban ng talent ng first batch of muses.

Mula sa Brgy. Tandang Sora Quezon City, parang super stretchable goma ang peg ni Danica sa kanyang kalas-buto dance number with intense ‘alarma.’ Titigil ang ‘yong damdamin habang siya’y “binabalibag” sa hangin.

Napaaga ang Halloween sa gothic-horror dance ni Jhein ng Brgy. Ibabang Iyam Lucena, Quezon City. It’s giving Mia Hernandez ng “It’s Okay to Not Be Okay” pero mas through the roof ang energy.

Asian drama ang feels sa pagkanta ni Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal bet Chuchay ng “Wala Na Talaga.” Sakit sa puso, pero five years later, lumitaw ang kanyang lover sa katauhan ni Dao Ming Si. Pang-worldwide ang kilig at entertainment level.

Sa hardin ng mga muses, may isang bulaklak na bayani. Siya ang magliligtas sa’yo sa lungkot with her superpower na maghatid ng good vibes. Siya si Super Dangbu, ang alter-ego ni Budang ng Brgy. Sa Isidro, Taytay, Rizal.

Hindi lang talento ang sukatan, dahil humarap din ang mga binibini sa mapusong tanungan. Hindi lang ganda ang ating hahangaan, kundi talino at pagpapakatotoo.

Unang sumalang si Danica (Brgy. Tandang Sora Quezon City) na nagpaka-classy pero ready to unfriend nang tanungin kung ano gagawin niya kapag nalaman niyang may ibang GC ang barkada at doon siya bina-bash.

Pagmamahal sa asawa ang hugot ni Jhein (Brgy. Ibabang Iyam Lucena, Quezon City) na pagbibigyan daw si mister kung sakaling hilingin nito ang maraming anak. Aniya, papayag siya dahil maha niya ang asawa, basta lang ba siguradong maibibigay nito ang pangangailangan nilang mag-iina.

Mula sa pagpapatawa ay biglang lumuha si Chuchay (Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal), na tinamaan sa tanong na, “Kung kaharap mo ang taong mahal ka o mahal mo, anong sasabihin mo sa kanila?” Ang payo niya, huwag nang hintaying maubos ang bukas bago mag-“I love you” sa taong minamahal.

Perfect for a hair flip moment naman ang sagot ni Budang (Brgy. Sa Isidro, Taytay, Rizal) nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung never siyang finlex ni jowa sa social media. Aniya, gagawa muna siya ng paraan. Pero kung wala talaga, bakit ipagsisiksikan ang sarili niya kung marami namang boys na nakapila sa angkin niyang ganda. Oha!

Samantala, hindi naman nag-Q&A si Ryan Bang pero siya ‘tong pinagpawisan. Na-challenge kasi sa joke time ang oppa nating ‘yan.

At kung talent lang din naman ang usapan, hindi mauubusan si “PBB Gen 11” 4th Big Placer Kai Montinola n’yan. Pagkatapos ng trending “Bakit Ngayon Ka Lang” duet nila ni Ogie Alcasid, heto ang part two. Okay na okay ang “Hanggang Ngayon” ng OKai. Umupo si Kai bilang Board Member kasama sina Miguel Tanfelix at Tetay.

Oras na para sa kantahan. Pakinggan ang mga boses na pangmalakasan sa “Tawag Ng Tanghalan” Year 9.

Si Decerin ng Silang, Cavite, napabirit ng “hey, ey, ey, ey” sa pagkanta ng “What’s Up.” Hugot niya ay malalim dahil sa murang edad ay marami nang pinagdaanan bilang breadwinner. Deserve mo ang group hug with the ‘Showtime’ family, Decerin. At deserve rin niya ang good comments ni hurado Erik Santos na tinawag siyang “empowered” dahil sa intense performance.

Hindi ka makaka-get over sa feels na hatid ni Altea ng Lucena City, singing “Almost Over You.” Komento ni hurado Bituin Escalante, calming ang boses ni Altea at maganda ang shifting into high notes.

Grado na 92.3% ang nakuha ni Altea, samantalang 92% naman ang kay Decerin. Samakatuwid, si Altea ang babalik bukas upang labanan ang defending champion.

Eh, kung galing sa kantahan ang labanan, hindi magpapakabog si Anne Curtis d’yan. Pati si Jackie Gonzaga ay na-inspire na ng fighting spirit ng Dyosa sa pagkanta. Nag-duet pa nga ang dalawa! Mabuti na lang hindi na-gong.

Related Articles

Cheezmis

Legit na chismis, mas pinabilis.

© 2026 Cheezmis. All rights reserved.
Chuchay, hindi napigilan ang luha sa usaping magulang | It’s Showtime | Cheezmis